Pagtapyas sa oil production, hindi makaaapekto sa pump prices sa Pinas-DTI
- Published on June 9, 2023
- by @peoplesbalita
MALABONG maging dahilan ng pagtaas ng pump prices sa Pilipinas ang naging desisyon ng Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na tapyasan ang oil production.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa press briefing sa Malakanyang na tila isang “defensive strategy” mula sa oil-producing countries ang bagay dahil ang oversupply ay maaaring maging daan para sa pagbaba ng presyo ng langis, idagdag pa na habang ang presyo ng langis ay hindi tumataas, maaari rin ang mga ito na mapigilan na bumaba.
“Eh isang ano ‘to, defensive move para hindi tuluy-tuloy ang pagbaba ng oil, puwede ring hindi magresulta in increase, pero hindi na bababa ng lower level. Kung hindi nga gagalaw ang presyo, eh di neutral,” ani Pacual.
“Kung bumaba pa, baka ma-cut pa uli sila ng production. Gano’n lang naman ‘yon eh, supply and demand, kung mataa ‘yong supply kumpara sa demand, bababa ang price, kung mas mataas ‘yong demand kaysa sa supply, bababa ang price. So ‘yon ang binabalance ng mga producers,” dagdag na wika ni Pascual.
Sinabi pa nito na mayroong epekto sa presyo ng goods kung ang presyo ng langis ay tataas.
Subalit iyon ay kung tataas lamang ang presyo ng langis.
“May impact ‘yan syempre kapag tumaas ang price ng oil pero ang tingin ko nga, baka hindi naman magresulta ng pagtaas overall pero mame-maintain lang where it is para hindi na bumaba,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
2 drug suspects kulong sa P360K shabu sa Navotas
NASAMSAM sa dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas Wawie, 26, at alyas Ver, 52, kapwa residente ng lungsod. Sa kanyang […]
-
Pope Francis tiniyak na hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng mga pari
TINIYAK ni Pope Francis na hindi niya kukunsintihin ang mga pang-aabusong sekswal ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika. Sinabi nito na hindi maaring ituloy ng isang pari ang pagiging pari kung siya ay nang-aabuso. Itinuturing niya ito na “isang halimaw” ang mga pari na nag-aabuso sa mga kabataan. Hindi […]
-
Ads October 17, 2020