Pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac, ipinag-utos ni PDu30
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng alternatibong National Government Center sa New Clark City sa Tarlac.
Ito’y dahil sa masyado ng prone ang Metro Manila sa mga natural disasters gaya ng lindol, baha at bagyo.
Nakasaad sa Executive Order 119 na ipinalabas ng Malakanyang na inaatasan nito ang mga ahensiya na nasa ilalim ng Executive department na magtatag ng field offices sa National Government Administrative Center (NGAC) sa New Clark City, na magsisilbi bilang “back-up administrative hub and may be utilized as disaster recovery center” upang matiyak na nagpapatuloy ang public services.
Ang pagtatatag ng field offices ay isasagawa ng “phases and clusters” na idedetermina ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Inatasan naman ng Chief Executive ang Bases Conversion and Development Authority na tulungan ang mga concerned government agencies sa pag-secure ng “advantageous, cost-efficient and flexible logistical and financial arrangements” na may kaugnayan sa pagtatatag ng field offices.
Hinikayat din nito ang government-owned or-controlled corporations, judiciary, legislature at ang independent constitutional body na magtatag ng tanggapan sa NGAC.
“The establishment of a back-up government center outside the NCR [National Capital Region] supports the policy of addressing longstanding issues on the lack of sustainable employment opportunities in the countryside, unbalanced regional development, and unequal distribution of wealth,” ang nakasaad sa EO.
Ang mga Coastal community, partikular na ang mga nasa NCR, ay vulnerable sa subsidence, pagtaas ng sea levels at pagtaas ng panganib ng tubig-baha, ayon sa Pangulo.
Dagdag pa ng Pangulo, ang rehiyon ay lantad din sa banta ng “catastrophic earthquake” na maaaring maging dahilan ng paggalaw ng West at East Valley Faults. (Daris Jose)
-
‘Raya & The Last Dragon’ Trailer Teases Epic Battles, a Con-Baby and Sisu!
THE upcoming Disney animated adventure which brings Southeast Asian culture into the spotlight, Raya and The Last Dragon, has just released a new trailer! If the first teaser got us excited with Raya wielding arnis sticks in an espionage mission, this full trailer gives us more details on her journey– how Disney’s new protagonist will unite the […]
-
Jay Sonza, arestado sa illegal recruitment
DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang masangkot sa syndicated at large-scale illegal recruitment. Isinuko ng BI sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sonza saka inilipat sa Bureau of Jail Management and Penology, ayon kay NBI Assistant Director Glenn Ricarte. […]
-
‘Pure online classes’ bawal simula ika-2 ng Nobyembre, sabi ng DepEd
NAGLABAS na ng school calendar and activities para sa school year 2022-2023 ang Department of Education (DepEd) sa bisa ng Order No. 34 s. 2022 nito — bagay na naglilinaw sa pagdating sa distance at blended learning maliban pa sa pagsisimula ng klase. Ayon sa DepEd sa utos na pinetsahang ika-11 ng Hulyo, […]