• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtiyak ni PBBM kay Xi: Pinas, walang ‘Cold War mindset’

BINASURA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang inilarawan nitong  “Cold War mindset” sa pagtugon sa tensyon sa pinagtatalunang South China Sea.

 

 

Isang sentimyento na ibinahagi ng Pangulo kay  Chinese President Xi Jinping na nagsabi na ang  Asia-Pacific region ay hindi dapat  maging  “an arena for a big power contest.”

 

 

Tiniyak ni Pangulong Marcos kay Xi na  ipagpapatuloy ng Pilipinas  ang pagsusulong ng independent foreign policy, sa kabila ng muling pagbuhay sa ugnayan sa  Estados Unidos, pangunahing katunggali ng China sa rehiyon.

 

 

Sa isang press statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na napagkasunduan nina Pangulong Marcos at Xi na ang  “maritime issues do not define the totality of Philippines-China relations.”

 

 

“Our foreign policy refuses to fall into the trap of a Cold War mindset. Ours is an independent foreign policy guided by our national interest and commitment to peace,” ang sinabi ng DFA ayon na rin sa ipinahayag ni Pangulong Marcos sa pakikipagpulong nito  kay Xi.

 

 

Ang Cold War ay ang tawag sa naging tungalian ng United States of America(USA) at nang United Soviet Socialist Republic(USSR o Soviet Union) na tumagal ng ilang dekada dahil sa pagtatalo ng dalawang bansa kaugnay sa kanilang mga ideyolohiya at ang nakaambang panganib ng malawakang digmaang nukleyar.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag na “it’s impossible for me to talk to China without mentioning that,” tinukoy ang usapin sa West Philippine Sea.

 

 

Bilang tugon, sinabi naman ng China na nangako ang PIlipinas sa  bilateral meeting na “continue to adhere to the One-China policy, uphold the principle of peace, stay committed to an independent foreign policy, and will not take sides.”

 

 

Nagpahayag din ayon sa China ang Pilipinas ng kahandaan “to engage in active consultations” sa Beijing at makahanap ng paraan para isulong ang joint exploration ng  maritime oil at gas resources.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si  Xi para sa donasyon ng China na  20,000 tonelada ng urea fertilizer at milyong doses ng COVID-19 vaccine.

 

 

Samantala, kasama naman ni Pangulong Marcos  sa bilateral meeting sina  dating Pangulong  Gloria Macapagal-Arroyo, Speaker Martin Romualdez, Foreign Secretary Enrique Manalo, Trade Secretary Alfredo Pascual, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Press Undersecretary Cheloy Garafil.

 

 

Sa kabilang dako, nakipagpulong din si Pangulong Marcos at nagkaroon ng  bilateral discussions kay  Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman at French President Emmanuel Macron.

 

 

“During the President’s meeting with the crown prince, the Saudi government agreed to shoulder the unpaid salaries of about 10,000 overseas Filipino workers amounting to about P30.5 billion from Saudi construction companies that declared bankruptcy in 2015 and 2016,” ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople. (Daris Jose)

Other News
  • Heart, patuloy ang pamimigay ng libreng tablets sa mga kabataan

    SA pamamagitan ng Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naa- abutan ng tulong ng Kapuso star Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.   Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo […]

  • ‘Dancing doctor’ Eric Tayag itinalagang bagong DOH undersecretary

    IN-APPOINT bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) ang epidemiologist at infectious diseases expert na si Dr. Eric Tayag.     Ang balita ay kinumpirma ni Tayag — na kilala sa paggamit ng pagsasayaw sa health-related campaigns bilang dating DOH assistant secretary — sa News5 ngayong Martes.     Hinihingian pa naman ng media […]

  • Jones kabado kay Tyson

    Aminado si Roy Jones Jr. na hindi madaling kalaban si Mike Tyson sa edad na 54  at inaasahan nitong mahihirapan siya sa nakatakda nilang 8-round exhibition fight sa Sept. 12 in Carson, California.   “It’s hard to say. Boxing is a strange sport,”  ani Jones Jr. “A lot of times people say the legs are […]