• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtugis sa 2 suspek sa karumal-dumal na pagtay sa Caloocan, pinaigting

PINAIGTING ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station (CCPS) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa isang lalaki sa Barangay 176, Bagong Silang.

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jellou,” 24, tattoo artist, at alyas “Kulot”.

Sa ulat, ala-1:30 ng hapon, noong February 21, 2025, nang madiskubre ang karumal-dumal na insidente ng pagpatay sa 37-anyos na lalaki sa loob ng isang bahay nang pumasok si alyas “Ailyn,”, 45, barangay utility worker, sa inuupahang apartment kaya agad niya itong ipinaalam sa SS12, CCPS.

Lumabas sa pagsusuri ng mga tauhan ng forensic examiners ng Northern Police District Forensic Unit (NPDFU) na nagtamo ng isang saksak sa likod ang biktima, malalalim na sugat sa kanyang leeg, at pinutol ang magkabilang paa, na inilagay sa loob ng asul na cooler.

Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ng pulisya ang mga suspek kung saan ayon sa saksi, huling nakitang buhay ang biktima noong Pebrero 18, 2025, na umalis upang makipagkita sa isang tao ngunit hindi na nakabalik.

Sinabi pa ng saksi na matapos madiskubre ang bangkay, nakipag-ugnayan siya kay alyas “Otching” na umaming nakasaksi sa insidente at itinuro nito si alyas Jellou na responsable sa pagpatay at ipinagtapat pa niya sa kanyang ina na nakita niyang pinuputol ni ‘Jellou’ ang mga binti ng biktima ngunit hindi ito nakialam dahil sa takot.

Dahil dito, pormal ng sinampahan ng pulisya ng kasong Murder sina ‘Jellou’ at ‘Kulot’ sa Caloocan City Prosecutor’s Office habang sumuko si ‘Otching’ at nakikipagtulungan sa mga awtoridad.

Tiniyak ni Col. Ligan sa publiko na ang NPD ay ganap na nakatuon sa pagbibigay ng hustisya sa karumal-dumal na krimen na ito.

Nananawagan naman ang Caloocan police sa sinumang may impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga suspek na makipag-ugnayan lang sa CCPS o sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. (Richard Mesa)

Other News
  • Philippine rugby team ng bansa wagi ng 2 gintong medalya

    NAGWAGI ng dalawang gintong medalya ang national rugby team ng bansa na Philippine Volcanoes.     Nakuha nila ang gintong medalya ng men’s and women’s events sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy na ginanap sa Nepal.     Noong Sabado ay tinalo ng men’s team ang Chinese Taipei 27-14 sa finals habang tinalo ng women’s […]

  • Direk Mikhail, nagbabalik sa isa pang nakakatakot na obra: HEAVEN, umani ng papuri mula sa kritiko sa pagganap sa ‘Lilim’

    NAGBABALIK ang direktor ng top-grossing Filipino horror film na ‘Deleter’ na si Mikhail Red sa isa pang nakakatakot na obra maestra sa ‘Lilim.’ Pinagbibidahan ito ni Heaven Peralejo, na hinirang na National Winner for Best Actress sa 2023 Asian Academy Creative Awards. Ang ‘Lilim’ ay nakasama sa opisyal na seleksyon sa 54th International Film Festival […]

  • GINAWARAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Silver Seal of Protection ng Government Service Insurance System

    GINAWARAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Silver Seal of Protection ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa pagsunod nito sa Republic Act 656 o Property Insurance Law. Nagpasalamat naman si Mayor John Rey Tiangco sa nakamit na parangal ng lungsod na una aniyang ibinigay ng GSIS ang ganitong pagkilala sa mga LGUs. (Richard […]