PAL babayaran ang P570 million na utang sa CAAP
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nangako ang Philippine Airlines (PAL) na babayaran nila ang kanilang utang sa Civil Aviation Authority of the Philippines na nagkakahaga ng P570 million matapos gawin ang unang bahagi ng bankruptcy proceedings na kanilang inihain sa New Court.
“I asked Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade to push through with its collection efforts with PAL, including its subsidiary PAL Express,” wika ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Sa isang ulat na binigay ni Tugade kay Dominguez na ang P570 million na babayaran ng PAL sa CAAP ay ang aeronautical fees at charges, rentals, at kasama ang iba pang serbisyo mula sa CAAP.
Nangako naman ang PAL na hindi sila tatalikod sa kanilang mga obligasyon sa pamahalaan at babayaran nila ang mga accounts upang maging updated hanggang kasalukuyan. Ang pamunuan din ng PAL ay makipaguusap sa CAAP upang magkaron ng reconciling ng mga payables sa CAAP upang maupdate ito mula July 2021 hanggang sa kasalukuyan
“Moving forward, PAL and PAL Express committed to make current all their obligations to CAAP incurred from July 2021 onwards. All obligations prior to July 2021 shall be subject to reconciliation and immediate payment, the terms of which to be agreed between CAAP and PAL,” wika ni Tugade.
Sa ilalim ng Financial Rehabilitation and Insolvency Act ng 2010, ang pamahalaan ay kinakailangan ng alisin ang mga taxes at fees kasama ang penalties, interests at charges na naipataw sa isang kumpanya na sumasailalim sa isang restructuring.
Ayon naman kay Dominguez, ang pamahalaan ay walang balak na hindi singilin ang PAL sa mga utang na nagkapatong-patong mula sa CAAP.
Dagdag pa niya na ang landing fees ay isang ordinary at regular na expenses kahit na ang nasabing flag carrier ay nasa ilalim ng rehabilitation.
“This provision (waiving of charges) does not apply to landing fees, as these are not collected by the national government, but by the CAAP and the Manila International Airport Authority (MIAA). Also, it can be considered that landing fees are ordinary and regular expenses, hence, may be collectible even during the implementation of the rehabilitation,” saad ni Dominguez.
Kamakailan lamang ang PAL ay naghain ng Chapter 11 bankruptcy protection sa New York court na naglalayon na humingi ng approval sa kanilang plano para sa restructuring ng PAL upang malinis ang kanilang may higit na $2 billion na pagkakautang. Kasabay din nito ang kanilang request na babaan ang kanilang fleet capacity ng 25 percent kung saan ito ay magiging 70 aircraft na lamang.
“The airline recently secured the bankruptcy court’s authority to access the first $20 billion of its debtor-in-possession financing worth $505 million,” dagdag ni Dominguez. LASACMAR
-
Ads July 24, 2024
-
Gladys, kinabog ang magpinsang Kylie at Bela: ROMNICK at ELIJAH, parehong pinarangalan at naghakot ng awards ang ‘About Us But Not About Us’
TULAD ng inaasahan humakot ng 10 awards ang pinupuring psychological drama na “About Us But Not About Us” sa Gabi ng Parangal ng first-ever Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) na ginanap noong April 11 sa New Frontier Theater. Ang pelikulang pinagbidahan nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta ang tinanghal na Best Picture, […]
-
Jason Momoa, Reveals He Had A Hand In Writing Aquaman 2
JASON Momoa, the former Game of Thrones star transformed into a superhero for 2016’s Batman v Superman: Dawn of Justice, where he made a quick cameo as Arthur Curry (aka Aquaman), reveals he had a hand in writing Aquaman 2. He received a much bigger role in Justice League, but it was the 2018 solo project Aquaman that truly gave Momoa the […]