PAL muling binuksan ang passenger flights papunta Saudi Arabia
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang passengers flights papuntang Saudi Arabia matapos ang dalawang linggong pagkahinto ng serbisyo nito.
Noong nakaraang Jan. 4 ay nagsimulang kumuha ng mga pasahero sa kanilang flights ang PAL matapos na alisin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang temporary suspension ng mga international flights.
Ang passenger flights mula Manila papuntang Riyadh at Dammam ay nahinto mula Dec. 21 hanggang Jan. 3, subalit ang mga passenger flights na galing sa Saudi Arabia ay nanatiling operational ng nasabing panahon.
“From Dec. 21, 2020 to Jan. 3, we operated cargo flights. The return to Manila carried passengers,” ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna.
Pinahayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang muling pagbubukas ng kanilang international flights matapos ang suspension noong nakaraang Dec. 21, 2020 upang maiwasan ang pagkalat ng bagong COVID-19 strain.
Sinabi ng PAL na pagdating ng mga pasahero sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), lahat ng hindi Saudi citizens na may edad ng mula walong (8) at pataas ay kinakailangan na magbigay ng negative RT-PCR test result mula sa mga accredited laboratory ng kanilang bansang pinanggalingan.
Ang nasabing resulta ay dapat ginawa sa loob ng 72 na oras bago ang departure papuntang Saudi Arabia.
Dagdag pa ng PAL na dapat ang mga pasahero ay magkaron ng 7-day home quarantine simula sa pagdating nila sa KSA.
“As for the non-Saudi citizens who had been in any country identified as having the new COVID variant strain, they must spend no less than 14 days in another country (such as the Philippines) before entering KSA,” sabi ni Villaluna.
Ang mga Saudi nationals at ang may mga humanitarian at urgent cases ay exempted sa nasabing requirement, subalit kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa 14-day home quarantine sa kanilang pagdating sa KSA.
Mayroon daily flights ang PAL mula Manila at vice versa at may passenger flights sa pagitan ng Manila at Dammam tuwing Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes, at Sabado.
Sa kasalukuyan, ang PAL ay hindi tumatangap ng foreign na pasahero mula Hong Kong, Japan, Singapore, Canada at US sa ilalim ng pinatutupad na restrictions.
Nagkansela rin ang PAL ng kanilang flights mula/papuntang London hanggang katapusan ng Feb dahil sa mahigpit na restrictions ng pamahalaan ng United Kingdlom. (LASACMAR)
-
South Korea planong payagan ang mga COVID-19 positive na bumoto sa halalan
NAGHAHANAP na ng paraan ang parliamento sa South Korea para payagan ang mga mamamayan nila na nagpositibo sa COVID-19 na makaboto. Isasagawa kasi ang presidential election sa nasabing bansa sa Marso 9. Kasabay ng nasabing halalan ay nahaharap sa hamon ang kanilang gobyerno dahil sa paglobo ng kaso ng Omicron coronavirus […]
-
May pagkakaiba ba ang “Single Parent” sa “Solo Parent”?
OPO. Ang mga kinukunsidera na solo parent ay naka-enumerate sa batas R.A. 8972 Solo Parent Welfare Act. May amendment sa batas na ito ang Senate Bill 1411 kaya’t pag ganap nang batas, may mga madadagdagan na klase ng Solo Parents. Maraming Single Parents ay maituturing sa Solo Parents kung ang kanilang […]
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng cleaning operation sa mga daluyan ng tubig
LUNGSOD NG MALOLOS- Humigit kumulang 150 sako ng mga lumulutang na basura ang nakolekta sa ginanap na maliitang cleaning operation sa mga daluyan ng tubig sa ilalim ng tulay sa Brgy. Tawiran, Obando, Bulacan noong Biyernes, Enero 21, 2022. Nilinis ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ng Bulacan Environment and Natural Resources […]