Palalakasin ang slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5: Noontime show nina VICE at BILLY, sanib-pwersa nang mapapanood
- Published on July 12, 2022
- by @peoplesbalita
SANIB-PWERSA ang Lunch Out Loud at It’s Showtime para palakasin ang noontime slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.
Simula sa Sabado, July 16, simula starting at 11 am back-to-back na mapapanood na ang dalawang programa. From 11 am to 12:45 pm ay mapapanood ang Lunch Out Loud tapos papasok naman ang It’s Showtime until 3 pm.
Nariyan pa rin ang patok na segments ng Lunch Out Loud nina Billy Crawford na “H.O.P.E.” dating game, “Maritest” showbiz quiz, “Beat the 2 battle of the Wits”, “Pera Usog cash prizes, at “Sagot Mo.
For 13 years ay pinasasaya ng It’s Showtime ang inyong tanghalian na pinangungunahan ni Vice Ganda. Siyempre nariyan ang “Tawag ng Tanghalan”, “Sexy Babe”, “ReIna ng Tahanan”, “Miss Q and A” and “Mini Me”, mga segments na naging favorite na thru the years.
Ang collaboration ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network, at TV 5 provides more fun and entertainment sa viewing public.
***
UNANG kinilala ang acting talent ni Dindo Arroyo nang gawaran siya ng “Kontrabida ng Millennium Award” noong 2020 mula sa the Film Development Council of the Philippines.
Noong 2014, si Dindo ay na-diagnose with Stage 4 pancreatic cancer. After taking herbal medicines for six months, he was healed and is now cancer-free. Born Dec 4, 1960, Dindo’s real name is Conrado Manuel Macalino Ambrosio II. He has a twin sister, Dr. Josefina Ambrosio Almeda, who resides in Los Angeles, California. His wife died in 2009.
May bagong award siya matatanggap bilang 2022 Gintong Parangal Awards as “Natatanging Gintong Parangal Bilang Mahusay na Beteranong Aktor sa Pelikula.”
This is his first award. After 35 years, ngayon lang daw siya na-recognized bukod sa FDCP Citation last February. Excited siya for this award coz he waited it for so long.
He won an award dati as Best Actor for the TV series “Alagad” produced by PNP Director General way back in 1990. Pero tabla sila ni John Regala and his award was accepted by the producer.
***
ISA ang young actress na si Jhassy Busan sa mga bida sa upcoming romantic comedy film na Home I Found In You mula sa direksiyon ni Gabby Ramos, mula sa REMS Films.
Very grateful si Jhassy kay Direk Gabby na siya rin director niya sa award-winning film na Pugon kung saan nakamit niya ang Jury Award for Best Performance Short Film (Male or Female) sa 2021 International Film Festival Manhattan-New York for her excellent performance in “Pugon.”
Sa husay niya, win din siya ng best child actress award for the same film sa Gully International Film Festival in India.
Ginagampanan ni Jhassy ang role ni Selene sa pelikula. Ang karakter niya ay walang hilig sa kahit na sinong celebrity. Normal na probinsyana na walang hilig sa social media. Na kabaligtaran ng personality ni Jhassy in real life.
Kasama rin sa movie sina John Heidrick Sitjar, Harvey Almoneda, Eunice Lagusad, Diego Llorico, Orlando Sol at Soliman Cruz.
(RICKY CALDERON)
-
“Project alis lungkot” inilunsad sa OSSAM
INILUNSAD kahapon sa Ospital ng Sampaloc (OSSAM) ang “Project Alis Lungkot” para sa mga pasyente na nasa isolation upang makasagap ng libreng internet access para makausap ang kani- kanilang mga pamilya habang nasa ospital. Sinabi ni Manila Mator Francisco “Isko Moreno”Domagoso ,umaasa siya na makakabawas ito sa stress na nararanasan ng ating mga pasyente […]
-
PBBM, pinuri si Manny Villar sa naging papel nito para sa mas lalo pang pinahusay na ugnayan ng Pinas at Japan
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang business tycoon at dating Senate president Manuel “Manny” Villar para sa naging mahalagang papel nito para lalo pang mapahusay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Ito’y matapos na saksihan ni Pangulong Marcos ang ipinagkaloob na Order of the Rising Sun ng Japanese government […]
-
KELLEY DAY, ready nang mag-compete sa ‘Miss Eco International 2021’ sa Egypt
READY nang mag-compete si Kelley Day sa Miss Eco International 2021 sa Egypt ngayong April. Ayon kay Kelley, matagal daw siyang nag-prepare for the pageant noong hindi ito natuloy last year dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon ay naayos na ang lahat ng fittings niya para sa mga isusuot niyang gowns sa pageant. […]