Palarong Pambansa 2025, pormal nang binuksan sa Ilocos Norte
- Published on May 27, 2025
- by @peoplesbalita
PORMAL nang binuksan ang 2025 Palarong Pambansa, na ginanap sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag City, Ilocos Norte.
Tinatayang 15,000 student-athletes mula sa iba’t ibang rehiyon ang lalahok sa palaro na tatagal hanggang Mayo 30. Tampok ang 22 regular sports kabilang ang basketball, swimming, athletics, at taekwondo.
Kasama rin ang weightlifting bilang demo sport, at kickboxing, girls’ football, at girls’ futsal bilang exhibition events.
Una rito, nangunguna ang National Capital Region (NCR) na nakamit ang ika-17 sunod na overall title noong 2024.
Mababatid na sa kabila ng naranasang lindol sa La Union noong Mayo 24, walang naiulat na pinsala o nasaktan sa mga lugar ng palaro.
Tampok sa pagbubukas ang makulay na seremonyang hango sa epikong Ilocano na “Biag ni Lam-ang.”