• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palasyo nagpasaklolo sa media vs fake news 

UMAPELA sa mga miyembro ng Media ang Palasyo ng Malakanyang na makipagtulungan para labanan ang talamak na fake news na kumakalat sa social media.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na sa dinami-rami ng kumakalat na fake news ay malaki ang maitutulong ng mainstream media para mag-fact check dahil mayroon silang mga kredibilidad.
Dapat din aniyang malaman ng taongbayan na lahat ng lumalabas ng mga fake news ay dapat maputol, hindi lang sa isyu ng extrajudicial killings o EJK kundi maging mga fake news na pumapabor kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dapat ipakita rin ng mainstream media at ­maging ng social media kung ano talaga ang kalagayan ng mga biktima at mga pamilya ng mga biktima ng EJK dahil sila rin naman ay mga Pilipino.
Kasabay nito, patuloy rin aniyang pag-aaralan ng pamahalaan kung kailangan nang masampolan ang mga nagpapakalat ng fake news habang nakikipag-ugnayan na rin sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at mga otoridad tungkol sa nasabing isyu.
Other News
  • Mataas na palitan ng piso vs dolyar, naramdaman na ng mga OFW

    NARARAMDAMAN  na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar.     Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso […]

  • Quezon City tinanghal na Most Competitive LGU

    SA IKATLONG pagkakataon, itinanghal ang Quezon City government na ‘Most Competitive Local Government Unit’ sa ilalim ng Highly Urbanized Cities category ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).     Taong 2020 nang maging Hall of Famer ang lungsod sa naturang parangal.     Nabatid na anim na parangal ang hinakot ng Quezon City go­vernment […]

  • PH aquatics team nagtakda ng Open Tryout para sa Cambodia SEAG

    Inatasan ang Stabilization Committee  ng World Aquatics (dating FINA) Bureau na mangasiwa sa swimming sa Pilipinas sa pagsasagawa ng open tryout para matukoy ang komposisyon ng koponan na pupunta sa 2023 Cambodia SEA Games.   Nakatakda ang tryout sa Pebrero 18 at 19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.   Isang direktiba […]