• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palasyo ng Malacañang, bukas na sa publiko

BINUKSAN  na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ang Malacañang na anya’y hindi niya bahay kundi ng mga mamamayan.

 

 

Sa talumpati ni Marcos sa isinagawang pamimigay ng regalo sa Rizal Park, Maynila, muling ­inanyayahan ni Marcos ang publiko na bisitahin ang Malacañang at lahat ay maaaring pumasok.

 

 

“Welcome kayong lahat. Bukas na ang Palasyo. Hindi ko naman bahay ‘yan eh, bahay niyo ‘yan eh. Kaya binuksan ko na,” ani Marcos.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na maaari ng mag-istambay sa Malacañang na binubuksan ng alas-7 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan.

 

 

“Aanyayahan ko rin pala kayo binuksan namin ang Palasyo, ang Malacañang para ‘yung mga nag-aantay mag-Simbang Gabi pwede mag-standby muna doon sa amin…So nakabukas mula alas-siyete ng gabi, hanggang mga 4:30 ‘pag Simbang Gabi na. So dalhin ninyo doon, basta’t makita naman ninyo ‘yung Palasyo,” ani Marcos.

 

 

Tiniyak din ni Marcos na masisiyahan ang mga bata na magpupunta sa Palasyo dahil sa mala­king Christmas tree at sa inihanda nilang pagkain.

 

 

Sa huli ay hinikayat ni Marcos ang lahat na maghanap ng panahon para magsaya at ilaan ang Pasko sa pamilya. (Daris Jose)

Other News
  • Los Baños, Laguna Mayor Perez, patay sa pamamaril

    Patay matapos pagbabarilin si Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez nitong Huwebes ng gabi.   Sa imbestigasyon ng kapulisan, kagagaling lamang ng alkalde sa isang public spa malapit sa municipal hall compound at habang naglalakad ito pabalik sa receiving area ng munisipyo ay nilapitan ito ng dalawang lalaki dakong 8:45 ng gabi.   Dalawang beses […]

  • Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region

    PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya  ang bansa sa Asean […]

  • DOTr, pagmumultahin ang mga lalabag sa ‘no vax, no ride’ policy

    PAGMUMULTAHIN ng Department of Transportation (DOTr) line agencies ang mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUVs) kapag napatunayang lumabag sa “no vaccination, no ride policy” sa National Capital Region (NCR), simula araw ng Martes.     Sa Viber message, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na ang mga traffic enforcers mula […]