• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PALAWAN, BAHAGI NG PILIPINAS- DR. GOITIA

NANINDIGAN ang Chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) na maituturing na paglapastagan  sa soberanya  ng Pilipinas ang  pangangamkam ng Tsina sa Palawan na maituturing na bahagi ng Pilipinas batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o Law of the Sea.

“Importante sa bawat Pilipino ang katapatan sa ating bandila at sa ating bansa” ayon kay  Dr. Jose Antonio  Goitia,  Chairman Emeritus ng PADER, Alyansa ng Bayan  para sa  KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Independencia sa Pilipinas (LIPI) at tumatakbo ring first nominee ng  “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist Numero 134 na kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers  kasama ang mga kasapi  ng Peoples Alliance for Reform and Democracy (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD) at Liga ng Indepencia sa Pilipinas( LIPI) ay tahasang  kinokondena  ang pagyurak sa dangal ng mga Pilipino .

“Isang malaking insulto sa ating mga Pilipino ang ginagawa ng Tsina dahil sa kanilang hindi makatuwirang pagsalungat sa mga pinaiiral na batas sa ilalim ng  International  Maritime Law (Law of the Sea) katulad paglalagay ng  hindi wastong siyam na dash line assertion” ayon pa kay Goitia.

Binatikos din ni Goitia ang  pagpapakalat ng Tsina ng maling impormasyon na maaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan  na maaaring pagsimulan ng kaguluhan sa aspetong  soberanya, kalayaan sa nabigasyon at maging sa maayos na  pangangalakal ng iba’t ibang bansa.

Sinang -ayunan din ni Goitia ang  naging desisyon sa ilalim ng United Nations  Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) na  ang Palawan ay  bahagi ng Pilipinas base na rin sa geographical na location nito ay sapat  na ebidensya na nagpapatunay na ang  Palawan ay isang hindi maihihiwalay  na  bahagi ng arkipelago ng Pilipinas at nasa loob ng  loob ng Exclusive  Economic Zone at continental shelf ng Pilipinas.

Idagdag pa ang  historical  at legal na kasunduang pandaigdigan katulad ng Kasunduan ng Paris 1898, Kasunduan ng. Washinton  noong 1900, Kongbensyon ng Estados Unidos at Britanya noong 1930 at ang  Kalayaan ng Pilipinas noong 1946 kung saan nakuha ng Pilipinas  ang soberanya sa Palawan sa pagkuha ng kalayaan.

“Napakaganda  ng Palawan dahil  sa taglay nitong likas na yamang dagat, mga  reserbang langis at gas  na gustong pakinabangan ng Tsina kaya gusto nila itong angkinin,” ayon kay Goitia.

Ang Palawan ay isang archipelago na binubuo ng  1,780 na malalaki at maliliit na isla, bahagi ito ng MIMAROPA (Mindoro Marinduque. Romblon Palawan) (Gene Adsuara)

 

Other News
  • Lalaking nagtangkang bumaril sa pulis, kalaboso

    Masuwerte pa rin ang isang lalaki na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang barilin nito ng tatlong beses matapos magpasya ang kabaro ng parak na arestuhin ito sa halip na barilin para mamatay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nagmamaneho ng motorsiklo habang […]

  • Philracom Awards: ‘Union Bell’ pararangalan

    ANG mala-birhen o malinis na kartada sa nagdaang 2019 racing season, pararangalan si champion horse Union Bell at owner nitong Bell Racing Stable sa isasagawang 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) Awards ngayong Linggo sa Chantilly Bar ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.   Iniluklok ang undisputed 2YO champion bilang 2019 Stakes Races Horse […]

  • MARCOS NAIS DAGDAGAN ANG MGA SUCs SA BANSA

    Isusulong ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makapagpatayo pa ng maraming State Universities and Colleges (SUCs) sa mga lalawigan upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral.       Binigyang-diin ni Marcos na kailangang unahin ang edukasyon sa bansa kaya ang pagpapatayo ng dagdag pang […]