• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PALENGKE, GROCERY SA NAVOTAS, ISASARA TUWING LUNES

DAHIL sa pagdami ng mga nahawaan ng COVID-19, isasara tuwing Lunes ang mga public market, grocery, at talipapa sa Navotas para sa general cleaning at disinfection, base sa Executive Order No. TMT-016 na nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco.

 

 

Aniya, ang mga lugar at establisimiyentong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang mapanatili itong malinis.

 

 

“Tungkulin po natin na gawin ang lahat ng makakaya para maiwasan ang paglala ng hawaan. Kailangan magmalasakit po tayo sa isa’t isa. Kahit malakas po tayo at hindi natin iindahin kung magkaroon man tayo ng COVID-19, paano naman po ang iba na mahihina ang katawan at maaaring mamatay dahil sa sakit na ito?” paliwanag ni Mayor Tiangco.

 

 

Ayon pa sa alkalde, February 6 nang magtala ng 33 active cases ang lungsod, pinakamababa ngayong 2021 ngunit pagkatapos nito, dire-diretso na ang pagdami ng mga nahawaan.

 

 

Sa ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit, tumaas ng 349% ang mga kaso sa lungsod kung saan noong Biyernes February 26, ay naitala ang 99 nagpositibo ang pinakamataas na bilang ng mga nadagdag na kaso ngayong taon.

 

 

Nitong February 28, pumalo na sa 6,086 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 311 dito ang active cases, 5,582 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay. (Richard Mesa)

Other News
  • Proud na rumampa sa Cannes, France kasama ang pamilya: ‘Cattleya Killer’ nina ARJO, first Filipino drama na pinalabas sa MIPCOM

    DUMALO ang award-winning actor and first-termer bilang Representative ng Quezon City District 1 na si Arjo Atayde para sa international premiere ng ABS-CBN’s six-part drama series na “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes, France.   Ang MIPCOM (Marché International des Programs de Communication), o ang International Market of Communications Programs, ay isang taunang trade show na […]

  • Disqualification cases vs BBM, ibinasura ng Comelec First Division

    WALA nang hadlang sa pagtakbo sa pagkapangulo ni dating Sen. Bongbong Marcos.     Ito’y makaraang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang lahat ng natitirang disqualification cases na isinampa laban sa kanya.     Sa 44-pahinang resolusyon na pinonente ni Commissioner Aimee Ferolino ng First Division at sinang-ayunan ni Commissioner Marlon Casquejo, […]

  • Sotto malupit sa arcade game

    TALAGANG buhay niya o nasa dugo niya ang basketball.  Saan man makarating, basketbol pa rin ang hanap ng katawan ni National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zahary Sotto. Bukod sa pagiging astig sa hardcourt, naghasik din ng shooting skills ang Pinoy phenom sa basketball arcade game. Ibinahagi ng 18-anyos sa kanyang latest Instagram story na […]