• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palm Sunday message ni Pope: ‘Let go of our regrets’

Sa ikalawang sunod na taon sa kabila ng coronavirus pandemic, pinangunahan pa rin ni Pope Francis doon sa Vatican ang Palm Sunday mass na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week.

 

 

Idinaos ang nasabing misa sa loob ng Saint Peter’s Basilica kung saan limitado ang mga congregation na nakiisa, habang milyon pa rin naman ang sumubaybay sa pamamagitan ng customary global television at radio broadcasts at live streaming.

 

 

Sa Homily ng 84-year-old pontiff, ipinaliwanag nito ang kaibahan ng admiration o paghanga sa amazement o pagkamangha.

 

 

Ayon sa Santo Papa, ang paghanga ay maaaring maging komplikadong salita dahil sinusunod lamang nito ang pansariling interes at expectation ng isang tao. Habang ang labis na pagkamangha ay may malalim na kahulugan kung saan tatanggapin pa rin nito sakaling may magbago man sa dating hinahangaan.

 

 

“We have to go be beyond admiring Jesus, (and) follow in his footsteps, to let ourselves be challenged by him; to pass from admiration to amazement,” wika ng Mahal na Papa.

 

 

Nanawagan din si Pope Francis na mas palakasin pa ang ating pananampalataya kung saan magtiwala na ang pagmamahal ng Diyos ay may kaakibat lagi na kapatawaran.

 

 

Sana aniya ay maging bukas ang mga mata ng mga Katoliko sa pagbitiw sa mga disappointments sa buhay na siyang posibleng dahilan kung bakit nahihirapan na makapagsimulang muli sa buhay.

Other News
  • Gilas ‘Pinas ni Dickel, ‘di mababalasa – SBP

    MAAARING ang komposisyon ng Gilas Pilipinas na naglaro kontra Indonesia ang gagamitin din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kapag natuloy na ang na-postpone na game kontra Thailand.   Itataguyod dapat ng mga Pinoy ang Thais sa Araneta Coliseum noong Pebrero 20 sa first window ng 2021 FIBA (International Basketball Federation) Asia Cup. Pero kinansela ng […]

  • Antibody testing sa NBA, ipatutupad

    Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga.   Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang […]

  • Janella, nananahimik pa rin sa isyung buntis at sa UK manganganak

    HINDI pa rin tahasang umaamin at hindi rin naman nagde-deny sa kabila ng maingay naman na ang isyung buntis nga si Janella Salvador at ang ama ay ang boyfriend na si Markus Patterson.   Nasa U.K. ang mga ito ngayon na kung totoo naman talagang buntis, walang duda na doon na manganganak. At sa Instagram […]