Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine.
Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta.
Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine.
Siniguro ni Sec. Roque na kanilang ipapaaresto ang sinumang maniningil kapalit ng bakuna gayung ito’y mahigpit na ipinagbabawal.
Tiniyak ni Sec. Roque na babagsak ito sa kasong estafa na kanilang ipupursige laban sa kaninumang magbebenta ng mga paparating ng bakuna.
” Libre po ito, walang bayad. Kung mayroon pong maniningil, paalam ninyo po sa amin, paarestuhin po natin iyan for estafa,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Pamahalaan, papasok na sa huli at ika-apat na yugto ng National Action Plan
PAPASOK na ang pamahalaan sa ika- apat na phase ng National Action Plan kaugnay ng mga ginagawa nitong aksiyon laban sa COVID 19. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hanggang sa 1st quarter na lang ng 2021 ang phase 3 at pagkatapos nitoy papasok na ang phase 4 o ang huling phase na […]
-
Joshua, umaming walang lovelife after Julia dahil sa iba naka-focus
ISA ang adobo sa specialty na itinuro kay Joshua Garcia ng tatay niyang magaling magluto na itinuro rin sa kanya ng nanay niya, bale lola ng aktor. Natikman kaya ni Julia Barretto ang lutong adobo ng ex-boyfriend niyang si Joshua noong magkarelasyon pa sila? Sa latest vlog ni Erich Gonzales nang i-upload ilang […]
-
Pagpapaliban ng 2022 Barangay at SK elections, aprubado sa komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog, Jr. ang substitute bill na magliliban ng December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon. Ang substitute bill ay pinagsama-samang mahigit sa 30 panukalang batas. Sinabi ni Dalog na kabilang dito […]