• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaan, papasok na sa huli at ika-apat na yugto ng National Action Plan

PAPASOK na ang pamahalaan sa ika- apat na phase ng National Action Plan kaugnay ng mga ginagawa nitong aksiyon laban sa COVID 19.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hanggang sa 1st quarter na lang ng 2021 ang phase 3 at pagkatapos nitoy papasok na ang phase 4 o ang huling phase na ang pokus ay vaccination roll out na.

 

Aniya, ang Phase 4 sabi ni Nograles ang pinakamalaking bahagi ng apat na phase na inihanda ng gobyerno na makapagpapabangon sa bansa.

 

Matatandaang, Marso hanggang Hunyo 2020 nang ikinasa ang phase 1 kung saan dito ay nagsimulang magpatupad ng community quarantine at kasunod nitoy ang detect-isolate-treat-reintegrate strategy na nasa ilalim naman ng phase 2.

 

Layunin ng pamahalaan na siguruhin na maayos ang kalusugan ng bawat isa habang unti- unting binubuhay ang ekonomiya ang target ng Phase 3 na makukumpleto na sa buwan ng Marso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)