Pamahalaan, pinayagan na ang 10% dine-in capacity; barber shop, parlors ng 30% sa MECQ
- Published on May 1, 2021
- by @peoplesbalita
PINAPAYAGAN na ng pamahalaan ang ang dine-in operations sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Pinapayagan na rin na mag-operate ang mga barbershops, beauty parlors, at iba pa sa 30% capacity sa MECQ
Sa isang kalatas na ipinalabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Abril 29 2021, ang rekomendasyon na payagan ang mga restaurants, eateries, commissaries, at iba pang food preparation establishments na ibalik na ang kanilang indoor dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa iniyal na 10% venue o seating capacity.
Ang mga food preparation establishments, sa kabilang banda ay maaaring mag-operate ng kanilang indoor dine-in services “beyond this limitation,” sa kondisyong kailangan nilang mag-comply sa Joint Memorandum Circular No. 21-01 (s. 2021) o Safety Seal Certification Program.
Inaprubahan din ng IATF ang pagbabalik ng operasyon ng beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas na may inisyal na 30% venue o seating capacity sa MECQ areas.
“Moreover, these establishments shall only provide services that can accommodate the wearing of face masks at all times by clients and service providers,” ayon kay Sec. Roque.
Ang ganitong personal care establishments, ay maaring mag-operate ng lampas sa limitasyon, “provided that they comply with Joint Memorandum Circular No. 21-01 (s.2021) or the Safety Seal Certification Program.”
Ang personal care establishments at serbisyo na hindi nabanggit ay hindi papayagan na mag-operate.
At dahil pinayagan na ay siguradong mabibigyan na ng trabaho ang nasa 500,000 displaced workers.
“Ngayong pinayagan na ng IATF ‘yung personal care services and indoor dining, we will have 400,000 workers doon sa personal care and another 100,000 sa restaurants na madadagdag sa dine-in,” ani Castelo.
Paliwanag pa niya, ang mga barbershops at salon ay maaari rin naman maglagay ng outdoor spaces para sa bentilasyon. (Daris Jose)
-
PAMAHALAAN, BABAYARAN ANG KALAHATI NG UTANG NG PHILHEALTH SA PRC
BABAYARAN ng pamahalaan ang kalahati ng P930.9- milyong utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC). Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na mangyayari ito sa lalong madaling panahon. Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na babayaran nito ang P930.9 milyong utang ng PhilHealth sa PRC matapos […]
-
Ads January 27, 2024
-
Pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre ilalabas – Comelec
Sa Disyembre pa malalaman kung sino ang mga opisyal na tatakbo para sa 2022 National at Local Elections dahil sa isinasailalim pa sa pagsala ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nagsumite ng kanilang ‘certificate of candidacy (COC)’. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na 97 ang naghain ng kandidatura sa pagka-presidente habang […]