• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, isinusulong ang paggamit ng digital tools

LUNGSOD NG MALOLOS – Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang paggamit ng mga pasyenteng may Tuberculosis (TB) sa Bulacan ng Digital Adherence Technologies (DAT) ng ASCENT Project (Adherence Support Coalition to End TB).

 

 

 

Ang ASCENT na proyekto ay isinasagawa ng KNCV Tuberculosis Foundation katuwang ang Department of Health at mga lokal na Pamahalaan ng Bulacan at Pampanga para sa positibong kalalabasan ng gamutan sa TB, gayundin ang pagpigil nito at pangangalaga ng kalusugan sa buong mundo.

 

 

 

Hindi gaya ng tradisyunal na Directly Observed Treatment (DOT) tool na hinahayaang inumin ng pasyente ang kanilang mga gamot sa maginhawang lugar at oras habang konektado sa kanilang mga health care provider, sinusuportahan ng DAT tools ang mga pasyenteng may TB sa kanilang pag-inom ng gamot sa pamamagitan ng smartphone–based technologies, digital pillboxes at ingestible sensors.

 

 

 

Sinabi ni Fernando na ang dating kilalang smart mobile phone na aparato ay makatutulong sa mga tao sa kanilang gamutan sa TB gayundin ang matalinong impormasyon at komunikasyon lalo na ngayong may krisis sa COVID-19.

 

 

 

“Hinihikayat ko na ang bawat pasyente ay mag-enroll gamit ang libreng pagte-text at video upang mamonitor ang inyong gamutan sa nasabing sakit. Suportahan po natin ang gamutang ito upang maiwasan ang face to face interaction,” anang punong lalawigan.

 

 

 

Gayundin, sinabi ni Regional Technical Officer Mona Lisa Morales ng ASCENT na ang nasabing TB medication adherence na Medication sleeves/labels, Smart pill boxes and Video-supported treatment na bubuo ng digital record ng paggamit ng gamot kung kaya sa ganitong paraan ay mamomonitor ng health care workers ang pagsunod sa pamamagitan ng single user interface upang suportahan ang gamutan sa may TB.

 

 

 

Sa paggamit ng digital tool na tinawag na DAT, kinakailangang mag-enroll muna sa alin mang tinukoy na pasilidad ng kalusugan ang pasyenteng may TB at sila ay tatanggap ng mga gamot para sa nasabing sakit na naka-customize na balot. Kasunod nito, dapat magsagawa ang pasyente ng toll-free call o text para sa code mula sa DAT upang otomatikong mailista ang kanilang araw-araw na dosis. Pagkakalooban din sila ng isang lalagyan na espesyal na idinisenyo upang kanilang pagtaguan ng kanilang gamot para sa TB.

 

 

 

Sa tuwing bubuksan nila ang kahon, magpapadala ng signal ang embedded device at awtomatikong aabisuhan ang mga health care worker ng mga naka-log na pang-araw-araw na dosis. Sa panahon ng pag-inom ng medikasyon, itatala ng pasyente ang video message gamit ang customized app sa kanilang mobile phone at pagkatapos makumpleto, ipapadala ang video sa mga health care worker para sa pagrerepaso.

 

 

 

Samantala, sa pamamagitan ng ASCENT Project, patuloy ang online na pagpupulong at pagtatasa sa pagganap ng DAT sa mga pasyente at mga nangangalaga kabilang ang healthcare providers, ilang pangunahing TB players sa lebel ng lokal, regional, at central National Tuberculosis Control Program (NTP).

 

 

 

Ang ASCENT project ay pinopondohan ng Unitaid, isang pandaigdigang inisyatibo sa kalusugan sa pangunguna ng ng KNCV Tuberculosis Foundation kung saan mayroon ng higit 100 taon ng kadalubhasaan at karanasan sa paglaban sa TB na naglalayong makamit ang isang TB-free na mundo.

Other News
  • Manila City government maglalabas ng quarantine pass

    Maglalabas ang Manila City government ng quarantine pass sa lahat ng mga barangay na nasasakupan nito para malimitahan ang paggalaw ng mga tao matapos na ilagay ng national government sa enhanced community quarantine (ECQ).     Ayon sa Manila Public Information office na ang mga punong barangay ay magbibigay ng isang quarantine pass sa bawat […]

  • Mga negosyante sa Baguio nag-‘yes’ sa Lacson-Sotto platform

    UMANI ng papuri sina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III mula sa mga negos­yante at miyembro ng Rotary Club International District 3790 Cluster 1C dahil sa mga iprinisinta nilang mga plano at programa sa kanilang pagbisita rito.     Malaki ang pag-asa ng […]

  • Gilas Pilipinas nanatili pa rin sa No. 31 sa world rankings – FIBA

    Hindi nabago ang puwesto ng Pilipinas sa ika-31 sa buong mundo sa FIBA World rankings matapos ang Tokyo Olympics.     Batay sa latest FIBA report ang Gilas Pilipinas ang ika-anim na best team sa Asia-Pacific kung saan nangunguna ang Australia na nasa No. 3 sa buong mundo.     Nagbigay naman bigat sa puwesto […]