• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamamahagi ng ayuda sa NCR nasa P4.5-B na – Sec. Año

Iniulat ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa kabuuang P4.5 billion mula sa P11.2 billion ayuda na ang naipamahagi ng gobyerno as of August 16, 2021 sa mga beneficiaries sa National Capital Region (NCR) simula ng isailalim ito sa enhanced community quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang August 20, 2021.

 

 

Ayon kay Sec Año, mga low-income individuals ang nakinabang sa ayuda na ibinigay ng gobyerno at ipinamahagi ng iba’t ibang LGUs.

 

 

Ipinagmamalaki naman ng kalihim na may transparency na ngayon sa pamamahagi ng ayuda dahil nakapaskil na ang mga listahan ng mga benepisaryo sa mga barangay hall, website at official social media platforms para sa kaalaman ng lahat.

 

 

Inihayag din nito na nakatanggap din ng dagdag na P368 million pondo ang mga LGUs sa NCR na inapbrubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte batay na rin sa kahilingan ng mga LGUs bilang dagdag na financial assistance.

 

 

Batay sa guidelines may 15 araw ang mga LGUs sa NCR para kumpletuhin ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga constituents.

 

 

Pinuri naman ni Sec Año ang mga local government units dahil sa maayos at systematic na pamamahagi ng ayuda.

 

 

Ayon sa kalihim ang mga siyudad ng Caloocan, San Juan, Mandaluyong, Taguig, at Makati ang siyang may pinakamataas na percentage na financial assistance na ipinamahagi.

 

 

“We congratulate the NCR LGUs for an orderly and systematic distribution of Ayuda. We are doing distribution everyday. We have not received any report of any untoward incident and our PNP is there to ensure that all minimum health standards are met,” pahayag pa ni Sec.Ano. (Daris Jose)

Other News
  • Abalos, hinikayat ang mga residente ng NCR na bumili ng P39/kg. rice sa ‘Super Kadiwa’ stores

    HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na bisitahin ang ‘Super Kadiwa’ centers para makabili ng bigas sa halagang P39/kg. at iba pang abot-kayang “high-quality produce.” “Malaking katipiran po ito para sa ating mga kababayan sa Metro Manila dahil sa […]

  • Meralco Avenue sa Pasig sasaraduhan simula Oct. 3hanggang 2028

    ISANG bahagi sa Meralco Avenue sa lungsod ng Pasig ang sasaraduhan sa trapiko simula sa Oct. 3 dahil sa gagawing civil works sa Shaw Boulevards kaugnay sa pagtatayo ng P488.48 billion na Metro Manila Subway project.       Tinatalang hanggang 2028 ang pagsasara ng nasabing pangunahing lansangan sa Pasig ayon sa Department of Transportation […]

  • Bus terminal sa Quezon City, tinupok ng apoy

    TINUPOK ng apoy ang isang bus terminal sa Cubao, Quezon City hapon ng Pebrero 9, Huwebes.     Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:46 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Araneta bus terminal na matatagpuan sa Time Square St., Brgy Soccoro, Quezon City.     […]