Pamamahagi ng ukay-ukay at feeding program sa Barangay Lawang-Bato, Valenzuela City
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Kapitan Romy Acuña ng Barangay Lawang-Bato, Valenzuela City at ng kanyang may bahay na si Kapitana Vergie Acuña, kasama ang buong konseho nito ang pamamahagi ng tinaguriang ukay-ukay na handog sa mga residente ng nasabing barangay “Agapay na walang kapalit na hinihintay” kung saan umabot sa 547 ang benepisyaryo na sinundan ng feeding program.
“Hindi man bongga, hangad lang namin magpaabot ng tulong sa ating mga kabarangay,” maikling pahayag ng Team Acuña.
Wala naman pagsidlan ng galak ang mga residente ng naturang barangay sa anila’y handog na walang hinihintay na kapalit.
“Sana lahat ng uupo sa pamahalaan sa darating na halalan tumulong sa nasasakupan ng bukal sa kalooban, dangan naman kasi sa mga nakalipas na panahon nakakalimuran na kami pagkatapos ng halalan.” anila. (Richard Mesa)
-
AFP, PNP RERESPETUHIN ANG DESISYON NG US
RERESPETUHIN ng AFP at PNP ang desisyon ng US sakaling itigil na ng Amerika ang kanilang security assistance sa Pilipinas. Ayon kay AFP Spokesperson MGen Edgard Arevalo wala naman silang magagawa kung hindi na magbibigay tulong ang Amerika. Wala namang problema sa AFP kung may panukala ang US congress na itigil ang security […]
-
VELOSO, nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng Pinas – PBBM
“FINALLY, she’s home.” Nakauwi na sa Pilipinas si convicted drug courier Mary Jane Veloso sa Pilipinas matapos ang 14 na taon sa Indonesian death row. Sa isang kalatas, ang pag-anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay kasabay ng pasasalamat nito sa Indonesian government para sa kanilang tulong na ilipat sa […]
-
93 magsasaka, supporters inaresto sa ‘bungkalan’ sa Tarlac; red-tagging inireklamo
DINAMPOT ng pulisiya ang lagpas 90 aktibista’t magsasaka sa Concepcion, Tarlac, Huwebes, para sa reklamong “malicious mischief” at “obstruction of justice” sa isang sakahan — pero ayon sa mga grupo, benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program ang mga nabanggit noon pang 1998 at magtatanim lang. Ayon sa Police Regional Office 3, 9 a.m. […]