Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.
Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine.
Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang puntos ng Ukrainian table tennis player sa kanilang women’s Knockout 2 semifinals.
Habang hindi umubra si Jann Mari Nayre sa kalaban nitong Niagol Stoyanov ng Italy sa men’s Knockout 1 quarterfinals.
Mayroong puntos na 11-5, 11-4, 11-4, 8-11, 13-11 kaya nanaig ang Italian player.
Hindi pa nawawalan ang pambato ng bansa sa table tennis na sina Fadol, Nayre kasama sina John Russel Misal at Jannah Romero na makapasok sa Olympics kapag magtagumpay sila sa Asian Olympic Qualifying Tournament na gaganapin rin sa Doha sa darating na Marso 18-20.
-
Commuters group, dismayado sa nabiting tugon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
DISMAYADO ang grupong lawyers for commuters safety and protection sa pagkaka reset ng pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa petisyong kumu-kwestyon sa usapin ng fare surcharge sa Transport Network Vehicle Services (TNVS). Sinabi ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, na hiniling […]
-
53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown, ayuda para sa 2 kumbento ng mga madre ipinadala na matapos ang Covid-19 outbreak
Nadagdagan pa ang mga lugar dito sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa 53 na mga lugar ngayon ang nasa granular lockdown. Nilinaw ng Alkalde na partikular lugar lamang ang sakop ng […]
-
Ads August 30, 2021