Pamilya ni Board Member ANGELICA, patuloy na nakikipaglaban matapos mag-positive sa COVID-19
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
NAKIKIPAGLABAN ngayon ang pamilya ni Laguna 3rd district provincial board member Angelica Jones sa sakit na COVID-19.
Pinost ni Angelica sa Facebook na nagkahawaan sa bahay nila kaya pati ang kanyang ina at ang kapatid ay nag-positive sa COVID-19.
Naka-confine sila ngayon sa San Pablo City District Hospital.
“Me, my mom and Angelo are Positive of COVID-19. Humihingi kami po ng inyong patuloy na dasal malampasan namin itong pagsubok. Please pray for my mom, Beth Jones, nasa ICU po sya. She has pneumonia and Covid 19.Please, really need your prayers. I have asthma, pneumonia, and COVID.. nananalig ako sa Panginoon sana di niya kami pababayaan. In Jesus name.. God will heal me and my family.”
Nahirapan din daw silang makahanap ng ospital na tatanggap sa kanila.
“Three days before po ako i-confine…. nauna i-confine ang aking ina mula lumabas ang result na positibo sa COVID. Kahit saan puno ang mga hospital ng COVID patients. Three days kami nag isolate ni Angelo sa house. Sobrang hirap ako sa paghinga akala ko katapusan ko na. “Di ko po alam na may pneumonia at asthma ako nagpositibo sa Covid. Araw araw po ako nakikiusap at nagdadasal sa Panginoon na iligtas kami. I thank the district hospital of San Pablo City. Ginawan po ng paraan para kaming mag ina at ni Angelo magkaroon ng room at iniaalagaan kami ng mga doctor at nurse hanggang ngayon. Sana ay gumaling. Hinihiling ko po dalangin sa aking ina hanggang ngayon ay nasa ICU pa.”
***
NAGBABALIK sa showbiz ang ‘90s beauty queen-actress na si Michelle Aldana.
Gaganap si Michelle bilang mother ni Gabbi Garcia sa GTV series na Love You Stranger.
Nakilala si Michelle noong manalo ito bilang Miss Asia Pacific in 1993. Kinontrata ng Viva Films si Michelle at lumabas ito sa mga pelikulang Ikaw Ang Miis Universe Ng Buhay Ko, Segurista, Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa, Hindi Pa Tapos Ang Laban, Hawak Ko Buhay Mo, Ang Tipo Kong Lalake, Marami Ka Pang Kakaining Bigas, Mauna Ka Susunod Ako, Wala Nang Iiibigin Pang Iba at Extranghero.
Iniwan ni Michelle ang showbiz noong 1998 at tumira sa Germany. Kinasal siya kina Christoph Heinermann (2001) at Edward Burke (2014). Sa South Africa na siya naka-base ngayon.
Na-excite nga raw si Michelle na muling umarte after 22 years. Iba raw kasi yung nakakapagsalita siya ulit in Tagalog.
***
MANHID na nga ba ang puso ni Katrina Halili?
Ito raw ang mararamdaman ng aktres dahil hindi na raw siya kinikilig sa mga lalake.
Kung noon daw ay mabilis kiligin si Katrina, lalo na kapag may crush siya. Ngayon daw ay parang wala na yung kilig sa katawan niya.
“Ang hirap naman. Wala talaga akong kilig sa kanila. Wala na akong maalala. Burado na sila,” tawa ni Katrina.
Huli raw kinilig si Katrina ay noong may pursigidong manliligaw siya na nakilala niya sa Boracay. Pero ang tagal na raw yon at hindi na raw bumalik ang feeling na iyon sa katawan niya.
“Siguro nanawa na rin ako kasi nung bagets pa ako lagi akong kinikilig at marami akong crush noon. Ngayon okay na ako kasama ang anak kong si Katie. Yakap at halik ng anak ko ang kailangan ko at hindi sa kung sinong lalake,” diin pa niya. (RUEL J. MENDOZA)
-
Pres. Duterte posibleng samahan ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics – PSC
Malaki ang posibilidad na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte para saksihan ang pagsabak ng mga atletang Filipino sa Tokyo Olympics mula Hulyo 23 hanggang Agosto 8. Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez, isa ang pangulo sa tatlong opisyal ng gobyerno na nakatakdang sumama sa 19 atletang maglalaro sa Olympics. […]
-
Natuklasang dalawang biyahero na nasa Pinas na may omicron variant, nasa quarantine facilities na –Nograles
KAPWA nasa quarantine facilities na ang dalawang byahero na tinamaan ng Omicron variant. Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ipinaalam na sa Office of the President ang dalawang kaso ng Omicron variant na natuklasan ngayon sa Pilipinas. “As earlier reported by the Department of Health, the variant was […]
-
Kandidatura ni Quiboloy, pinapakansela
PINAKAKANSELA ang Certificate of Candidacy (COC) ng nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa material misrepresentation. Sa 7 pahinang petisyon na inihain sa Commission on Elections (Comelec) ni Labor leader Sonny Matula at ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP), ang nominasyon ni Quiboloy bilang kandidato ng WPP ay “walang katotohanan at legal […]