• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom, nabawasan – SWS

NABAWASAN ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan

 

Batay sa March 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), 9.8% na mga pamilyang Pinoy o katumbas ng 2.7 milyong katao ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

 

Higit na mas mababa ito sa 11.8% hunger rate noong Disyembre 2022 at 11.3% o 2.9 milyon noong Oktubre 2022.

 

Gayunman, nilinaw ng SWS na nananatili pa ring mas mataas ito kumpara sa pre-pandemic period noong 2019. Lumalabas din sa survey na pinakamaraming nakaranas ng gutom sa mga pamilya mula sa Mindanao na nasa 11.7%. Sinundan ito ng Metro Manila (10.7%), Visayas (9.7%) at Balance Luzon (8.7%).

 

Isinagawa ang survey mula March 26-29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na may edad 18 pataas.

Other News
  • No. 1 most wanted ng Malabon, nalambat sa Bulacan

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng Malabon City matapos matunton ng pulisya kanyang lungga sa Marilao, Bulacan.   Pinuri ni National Capital Region Police Office, Chief, P/ MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Warrant and Sub- poena Section at Intelligence Section ng Malabon Police Station sa ilalim […]

  • 71% ng Metro Manila commuters tutol sa taas pasahe

    MADAMI ang tutol na mga pasahero na nakatira sa Metro Manila ang tutol sa gagawing pagtataas ng pasahe ng mga pampublikong jeepneys (PUJs) na tinatayang may 70 porsiento ng kabuohang bilang ng mga pasahero.       Ito ay ayon sa ginawang survey na ginawa ng transport advocacy na The Passenger Forum (TPF) mula Sept. […]

  • DA, pinaigting ang pagsisikap para gawing makabago ang sektor ng bigas sa Pinas

    PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito na gawing makabago ang “rice farming sector” sa bansa.     Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pinaigting ng DA ang ginagawa nito para gawing makabago ang pagsasaka, magtayo ng mas  maraming agricultural infrastructure at i-adopt  ang pinakabagong teknolohiya para i-improve  ang rice […]