• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pampublikong transportasyon may 70 porsiento na ang kapasidad ngayon

Sinimulan noong nakaraang Martes ang pagpapatupad ng 70 porsiento sa kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya.

 

 

 

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2021-064 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga pampublikong tranportasyon tulad ng mga public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs) at UV Express units sa Metro Manila, at mga karating na probinsya tulad ng Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan ay pinapayagan na rin na magkaron ng 70 porsiento na kapasidad na pinayagan ng task force sa pandemya.

 

 

 

Noong nakaraang October 28, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay kinatigan ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na taasan ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon kasama ang road at railway systems na gagawin muna sa loob ng isang buwan.

 

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na kailangan ng taasan ang kapasidad dahil na rin sa pagluluwag ng mga restrictions at ang pagbubukas ng maraming negosyo. Ang aksyon ay makakatulong din sa kabuhayan ng mga drivers at operators na mabawasan ang epekto ng pandemic at ang sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng krudo sa mercado.

 

 

 

“The livelihood of public transport drivers and operators was severely affected with passenger capacity in public transport maintained at 50 percent. Increasing passenger capacity will mean a higher revenue for the public transport sector, especially with more people allowed to go out. This will be a big help to passengers and drivers,” ayon kay Delgra.

 

 

 

Hindi naman papayagan ang mga pasahero na tumayo sa mga buses. Ang mga plastic barriers naman sa mga pampublikong sasakyan ay hindi na kailangan ilagay sa buong bansa subalit mahigpit na ipapatupad ang health and safety protocols sa lahat ng oras.

 

 

 

Ang mga safety measures na kailangan ay ang pagsusuot ng face mask at face shields, walang pag-uusap sa loob ng mga sasakyan at bawal ang mga telephone calls sa mga cellphones, bawal din ang kumain. Kailangan din na magkaron ng parating disinfection ang mga sasakyan at hindi puwede ang mga pasahero na sumakay kung may COVID-19 symptoms at kailangan din ang pagsunod sa social distancing.

 

 

 

Samantala, sa sektor ng railways, ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) ay pinayagan na rin na magkaron ng 70 na porsiento sa kanilang kapasidad mula sa dating 30 porsiento.

 

 

 

“With the increase to 70 percent, the LRT 1 can accommodate 785 to 972 commuters depending on the type of train. For LRT 2, 1,140 passengers can now be accommodated, while 827 and 667 passengers will be served by the MRT 3 and PNR, respectively,” ayon sa DOTr.

 

 

 

Ito na ang pinakamataas na kapasidad na napatupad simula ng magkaron ng 10 porsiento sa kapasidad na pinatupad ng DOTr noong June 2020 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.  LASACMAR

Other News
  • Ads February 8, 2022

  • Manuel, Alaska Milk nagpapataasan ng ihi

    PAREHONG nagmamatigasan sa isa’t isa si Victorino ‘Vic Manuel at ang Alaska Milk kaya wala pa ring nangyayari sa inisyal na usapan para sa contract extension ng Aces baller patungo sa pagbubukas 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril  9.     Maaaring ikunsidera ng 33 taong-gulang, 6-4 ang taas na forward […]

  • New ‘Top Gun: Maverick’ Featurette Shows Cast’s Intense Pilot-Training

    THE most intense film training ever… You won’t believe the training each actor had to go through!     Go behind the scenes now and see the action come to life in Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick.     (https://www.youtube.com/watch?v=Kh7OZYI-tNQ)     Watch the film May 25 in theaters and IMAX across the Philippines.     […]