• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pananaw ng mga Pilipino sa COVID-19, isinalang sa survey ng SWS

Lumabas sa resulta ng bagong surver na isinagawa ng Social Weather Station na 9 sa 10 Pilipino ang nangangamba na magkaroon ng coronavirus disease ang kanilang mahal sa buhay.

 

Sa survey na ginawa mula Hulyo 3 hanggang 6, lumabas na 85 percent ng 1,555 respondetns ang takot na mahawaan ng deadely virus ang sinomang myembro ng kanilang pamilya.

 

Nasa 67 percent naman ng mga respondents ang bahagya lamang na nakararamdam ng takot at sa kabila ng malubhang epekto ng pandemic sa buong mundo ay may 7 percent pa rin na hindi nababahala rito.

 

Batay din sa survey, mas maraming Pinoy ang takot na tamaan ng COVID-19 kaysa sa ibang gamot na wala pa ring lunas hanggang ngayon tulad ng Ebola, swine flu, brid flu at Sever Acute Respiratory Syndrome (SARS).

 

Inilunsad ang naturang survey ilang araw lamang matapos luwagan ang umiiral na community quarantine sa ilang parte ng bansa simula noong Hulyo 1.

 

Makikita rin sa resulta na 92 percent ng takot sa COVID-19 ay mula Metro Manila, 87 percent ang galing sa ilan pang parte ng Luzon, 85 percent ang sa Visayas habang 77 percent ang sa Mindanao.

 

Hindi naman nagkukulang ang Department of Health (DOH) na paalalahanan ang publiko na palaging sumunod sa mga pinatupad na minimum health standards hindi lamang sa mga pampublikong lugar ngunit pati na rin sa loob ng kanilang sariling tahanan.

 

Binigyang-diin din ni Vergeire na bawat indibidwal ay kinakailangang mag-ingat dahil nagpapatuloy pa rin ang laban ng bansa sa naturang pandemic.

 

Ginawa ni Vergeire ang paalalang ito matapos ilabas ng South Korea ang kanilang pinakabagong pagsisiyasat kung saan nakakita umano sila ng ilang indikasyon na mataas ang posibilidad ng household transmission ng COVID-19 sa nasabing bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Tennis legend Serena Williams naiyak matapos matalo sa 3rd round ng US Open, pero magreretiro na nga ba?

    NAPUNO ng emosyon ang pagtatapos ng laro ng tennis legend na si Serena Williams makaraang matalo sa third round sa US Open kay Ajla Tomljanovic ng Australia sa score na 7-5, 6-7 (4), 6-1.     Naiyak si Williams lalo na at dumadagundong sa pag-cheer sa kanya ang mahigit 23,000 fans na bumuhos sa Arthur […]

  • DepEd, nagbabala vs pekeng ‘pang-baon’ posts

    BINALAAN  ng Department of Education (DepEd) ang publiko hinggil sa mga post sa social media na namimigay umano ang ahensiya ng ‘pang-baon’ sa mga elementary students.           Sa misinformation alert ng DepEd, mahigpit din nitong pinayuhan ang mga magulang at mga guardians na huwag ibigay ang school information at identification ng kanilang mga […]

  • Serena vs Venus sa Top Seed Open

    Nagbalik si Serena Williams sa paglalaro matapos mamahinga dahil sa COVID-19 outbreak at talunin si Bernarda Pera upang maikasa ang ikalawang laban kontra sa kanyang kapatid na si Venus sa Top Seed Open sa Lexington, Kentucky.   Haharapin ng top seed na si Serena si Venus matapos naman nitong talunin si dating world number one […]