• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS

Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan!  Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride!

 

Ang rason ay 99 percent risk reduction daw ng Covid-19 cases kapag may ganito at naka social distance ang nga tao. Pero bakit ngayon lang naisip ito? Ilang buwan na ang nakaraan?

 

Aba, akalain mo na 99 percent reduced risk – halos zero na ah! Malaking proteksyon ito. Pero bakit ngayon lang? Sa ibang bansa ba na mababa ang positibo sa Covid-19 may ganitong requirement sa mga pampublikong sasakyan? O sa atin lang ‘to?

Ang malungkot, kaka-anunsyo pa lang ay sinamantala na agad ng mga taong gustong pagkakitaan ang bagay na ito. Nagka-hoarding na ng supply at tumaas presyo ng face shields. Parang nung dati sa alcohol at face mask – libu-libo ang umoorder at milyong piso ang transaksyon.

 

Kaya naman una nang sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na kung may magmamagandang loob ay magpamahagi na ng libreng face shield at bantayan din ng DTI ang presyo ng commodity na ito at siguruhin ang supply na maging available naman sa lahat sa tama at totoong presyo bago istriktongs ipatupad ito ng DOTr dahil ang hirap na nga ng public transportation hindi pa makakasakay dahil walang face shield.

 

Hindi rin magaan sa bulsa ito sa ordinaryong pamilya dahil kung may tatlo o apat sa pamilyang namamasahe at hindi lang isa ang bibilhin na face shield ay magastos din. Marami rin nagtanong kung huhulihin sila pag walang face shield. Hindi po.  Ang polisiya ay galing sa DOTr at para lang sa mga pasahero. Kaya kung naglalakad ka lang hindi kailangan yun.

 

Pero baka naman may makaisip na lagyan ito ng penalty ng multa tulad ng face mask at barrier sa motor? Utang na loob naman. Pero diba at lahat tayo ay maituturing na commuter?  At kahit hindi ka sumasakay sa public transport kung 99 per cent reduced risk nga ay bakit hindi ka magsusuot? So marahil dahil dito ay magiging parte na ng new normal ang face mask, social distance at face shield para sa lahat.

 

Sabi nga ng iba – bakit hindi PPE na ang i-require? Aba mahirap yan!  Ganumpaman mainam na marinig natin ang opinyon ng mga medical experts sa effectiveness ng face shield laban sa Covid 19. Para malaman ng lahat na mahalaga ito at malaking tulong nga. At kung hindi naman ay malaman na rin ng tao ang detalye at dahilan para hindi magmukhang negosyo lamang ang polisiyang ito . (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • DINGDONG, natupad na ang dream na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity

    NOONG May 1, Labor Day, natupad na ang dream ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na mag-provide ng education-to-livelihood opportunity, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ng kanyang YesPinoy Foundation at Rotary Club of Makati, para mag-train at magturo sa mga Pandemic-affected workers, engaged as Partner Riders by Dingdong.     Sa pamamagitan ng partnership ng […]

  • DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

    Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).     Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.     Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa […]

  • Crossovers swak sa finals

    Walang preno ang Chery Tiggo nang saga­saan nito ang Choco Mucho sa pamamagitan ng 25-16, 26-24, 25-23 demolisyon para umabante sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.     Nagsilbing driver si outside hitter Dindin Santiago-Manabat na siyang nasandalan ng Crossovers sa mga […]