Panawagan ng Malakanyang sa mga Padre de pamilya, higpitan ang mga bata ngayong simula na ang 2 week ECQ
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga padre de pamilya na gumamit na nang baston kung kakailanganin para huwag palabasin ang kanilang mga tsikiting ngayon at nagsimula na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila.
Ang ECQ ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay tatagal ng dalawang linggo mula Agosto 6 hanggang 20.
Ang panawagan ni Sec. Roque sa mga tatay ay huwag na huwag palabasin ang kanilang mga anak.
Kung kailangan aniyang gumamit ng baston ay gamitin ito sa gitna ng target na mapababa ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.
“Kaya nga po ang panawagan ko sa mga hepe ng pamilya, mag-declare na po kayo ng household lockdown at ipatupad po ninyo iyan, kung kinakailangan ng baston, magbaston na kayo sa inyong mga kabataan,” ani Sec. Roque.
“Pero huwag na ninyong palalabasin, dahil ang objective po natin mapababa ang pagkalat nitong mas nakakahawang Delta variant,” aniya pa rin.
Ibig lang aniyag sabihin ay gawin ang lahat upang matiyak na hindi makakagala at maging pakalat- kalat ang mga bata lalo na ngayong ECQ.
“Ito po ang rule, GENERAL RULE: Bawal lumabas exception, iyong mga nagtatrabaho po, dahil sila ay APOR doon sa mga industriyang bukas, iyong mga medical frontliners natin at iyong mga taong gobyernong nagbibigay ng serbisyo na classified as APOR. Tama po iyon, bawal lumabas ang general rule,” ayon kay Sec. Roque.
“Pero kung kayo po ay APOR at magpapabakuna, puwede po kayong lumabas. At saka iyong mga kukuha po ng essentials, pagkain at gamot. Pero tama po, ang general rule, huwag lalabas,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, biglang nagbigay linaw naman si Sec. Roque sa maling salita na kanyang nagamit bilang atas sa mga padre de pamilya.
Una kasing nabanggit ni Sec. Roque ay salitang baston na kaagad namang nilinaw nito na ang nais sana niyang tukuyin ay pastol.
“Sorry ha, siguro mali iyong word ko kanina. Mga hepe ng pamilya, pastulin po natin ang lahat ng miyembro ng ating mga pamilya na huwag ng lumabas, diyan po talaga magtatagumpay ang ECQ, kung iyong hepe ng pamilya ang magpapatupad ng household lockdown. Pastulin, hindi bastunin, pasensiya na kayo. Alam naman ninyo trying hard managalog, pero hindi tayo perfect, we are getting there po. Huwag kayong mag-alala,” paglilinaw nito. (Daris Jose)
-
Single rin ang gusto niyang makarelasyon: CIARA, nagulat na lang na nali-link pala kay JAMES
PARANG si Buboy Villar ang isa sa pinaka-guwapong leading man ng taong ito, huh! Sa GMA-7 na lang ay ilang Kapuso actresses na ang patok din ang tandem sa kanya. At sa kanyang bagong movie, ang ‘Ang Kwento ni Makoy’ direksyon ni HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc., kung hindi […]
-
Maraming kinikilig sa muling pagkikita: ANNTONIA, nag-express ng excitement na makasama si MICHELLE
MARAMI ang natuwa at kinikilig sa muling pagkikita nina Miss Universe Philippines Michelle Dee at Miss Universe Thailand Anntonia Porsild dito sa ating bansa. May fanbase at shippers na nga sila na #PorDee at hinihintay nila ang magiging activities ng dalawa para sa kanilang chosen advocacies. Nag-express si Anntonia ng […]
-
Valenzuela pangalawa sa NCR Top Performing LGUs sa Local Revenue Generation
MULING kinilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng Department of Finance ang Valenzuela City para sa tax collection efficiency ranking nito sa Fiscal Year 2021 sa ginanap na pagdiriwang ng BLGF’s 35th Anniversary sa Philippine International Center (PICC). Ito’y matapos masungkit ng lungsod ang pangalawang Performance Area (PA) Nos. 2 — […]