Panawagan ni Speaker Romualdez na tugunan ang hamon sa seguridad at ekonomiya sa Indo-Pacific region
- Published on February 5, 2025
- by Peoples Balita
NANAWAGAN si Speaker Ferdinand Martin Romualdez nang mas malakas na regional cooperation, economic resilience at responsible technology governance upang tugunan ang hamon sa seguridad at ekonomiya sa Indo-Pacific region.
Sa kanyang pananalita sa harap ng mga incumbent at dating mga international lawmakers, diplomats, security experts at technology experts sa Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) sa Manila, inihayag ni Speaker Romualdez na ang geopolitical tensions, economic vulnerabilities at technological disruptions sa rehiyon ay nangangailangan ng isang coordinated global response.
“We gather at a critical moment when the Indo-Pacific—home to 4.7 billion people, or 60% of the global population, and a driving force of global trade and innovation—is both a region of immense opportunity and unprecedented challenges,” ani Romualdez.
Ang PI-SF, isang global platform na dinadaluhan ng mga mambabatas upang talakayin ang isyu ng intelligence, security at economic threats, ay may mahalagang papel sa pagpapalakas ng multilateral cooperation laban sa iba’t ibang hamon.
Sa ginanap na forum, nakatuon ang diskusyon sa isyu ng Indo-Pacific, rehiyon na kinabibilangan ng bansang China, Japan, India at South Korea.
Muli rin nitong kinumpirma ang commitment ng bansa sa pagsunod sa international law lalo na sa sovereign rights sa West Philippine Sea.
Binanggit nito ang He 2016 Arbitral Tribunal ruling sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS, na nagbasura sa pinalawak na maritime claims sa rehiyon.
“For the Philippines, the situation in the West Philippine Sea remains a direct and urgent concern. This is not just a matter of territorial integrity—it is a test of the international community’s commitment to upholding international law and ensuring freedom of navigation,” pahayag nito.
Nagbabala si Romualdez sa gray-zone tactics, coercive actions at militarization ng artificial islands, na nagbibigay pagbabanta sa kapayapaan at stability sa tehiyon.
“The West Philippine Sea issue underscores the importance of preserving a rules-based international order. For smaller nations like the Philippines, this order serves as a safeguard against the arbitrary use of power and ensures that disputes are resolved peacefully, through dialogue and diplomacy, rather than coercion or intimidation,” aniya.
Hinikayat niya ang mga kapwa mambabatas na gamitin ang kanilang legislative influence para maipatupad ang alyansa at to international agreements na magbibigay katatagan sa region. (Vina de Guzman)
-
PBBM, umaasa na makikita na bababa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Kapaskuhan
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bababa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Kapaskuhan. Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung ano ang Christmas gift nito sa lahat ng mga Filipino kung hindi ang bigas sa halagang P20 kada kilo. “The P20 was really the goal, the dream… We are continuing with the […]
-
Bullying prevention campaign, ilulunsad ng DepEd
ILULUNSAD ng Department of Education (DepEd), sa pangunguna ng Child Protection Unit (CPU), ang Bullying Prevention Advocacy Campaign kaalinsabay ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre. Ayon sa DepEd, may temang #KasamaKa: BaLiK-Aral (Boses, Lakas ng Kabataan at Komunidad sa Balik-Aral), pagtutuunan ng nasabing kampanya ang tatlong core aspects: KasamaAko (Adbokasiya Para sa […]
-
Nag-translate sa ilang eksena sa bagong serye: YASMIEN, napakinabangan ang kaalaman sa Arabic language
NAPAKINABANGAN ni Yasmien Kurdi ang kaalaman niya sa Arabic language sa bago niyang teleserye na ‘The Missing Husband’. Marunong si Yasmien ng Arabic words dahil matagal siyang nanirahan noon sa Middle East kasama ang kanyang ama na isang muslim. At dahil dito ay siya ang nag-translate ng Arabic words na parte […]