PANAWAGAN sa KONGRESO at kay PANGULONG DUTERTE: IBASURA ang PLANO na MANDATORY CONSOLIDATION of FRANCHISE at REBISAHIN ang MULTA at PARUSA sa ILALIM ng JAO 2014-01.
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
Dalawang polisiya ang mariing tinututulan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na sa aming pag-aaral ay maglalagay sa agrabyado sa transport sector at mga pasahero. Tutol ang LCSP sa sapilitang pag-consolidate ng mga prangkisa sa iisang corporation o cooperatiba at mawala na ang mga single franchise holders na pinaghirapan makuha at inalagaan para sa kabuhayan ng mga franchise holders.
Bagama’t ang prangkisa ay isang pribilehiyo na ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang tao na may negosyong pampubliko tulad ng transport, hindi naman maaring bawiin ito sa kanila ng walang sapat na dahilan.
Halimbawa ang prangkisa ng jeepney operator na nasa pangalan na niya sa mahabang panahon ay dapat na pumaloob sa isang cooperatiba o corporation kasama ang ibang operators at ang franchise ay magiging sa pangalan ng corporation o cooperatiba at hindi na sa kanya. Ito daw ang solusyon para hindi mag-agawan ng pasahero sa lansangan?! Abay ‘di ba ang mga bus ay nasa pangalan ng corporation pero bakit nag-aagawan pa rin ang pasahero?
At sa totoo lang hindi nag-aagawan ng pasahero ang mga driver, mas malimit na ang mga pasahero ang nag-aagawan para makasakay! Mas malaki rin ang financial requirement pag i-corporation o cooperatiba.
Ang sa LCSP naman ay huwag na gawing mandatory ang consolidation. Labag ito sa prinsipyo na voluntary lang ang pagsali sa cooperatiba. Ngayon iko-konekta natin ang plano ng mandatory consolidation sa parusa ng JAO!
Dahil sa ang prangkisa ay nasa pangalan ng coop o corporation at halimbawa ay nag out-of-line ang isang myembro nito ay madadamay sa pag blacklist ang ibang units na hindi naman kasama sa violation at maaring hindi na sila makapamasada dahil revoke ang buong prangkisa ayon sa JAO!
At ano epekto sa pasahero? Mababawasan ang lehitimong pumapasada at mahihirapan sila makasakay. At ano ang gagawin ng mga operator at driver para hindi mawalan ng hanapbuhay? Mangonngolorum ang mga ito? Sa Senado ay may resolution si Sen. Grace Poe – P S. RES. 910 na may titulong DIRECTING THE SENATE COMMITTEE ON PUBLIC SERVICES TO CONDUCT AN INQUIRY, IN AID OF LEGISLATION, ON THE REPORTS BY PUV DRIVERS AND OPERATORS IN VARIOUS PROVINCES OF THE COUNTRY THAT THE PENALTIES UNDER DOTR LTFRB LTO JAO 2014-01 ARE UNJUSTLY HARSH AND SEVERELY IN EXCESS OF THOSE PROVIDED UNDER RA 4136 OTHERWISE KNOWN AS LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE.
Ang panawagan ng LCSP – muling buhayin ito at mapagusapan na rin ang sapilitang consolidation ng mga prangkisa. (Atty. Ariel Enrile – Inton)
-
Single ticketing system sa NCR, target ma-fully implement sa katapusan ng Abril
TARGET ng Metro Manila Council (MMC) na tuluyan nang maipatupad ang single ticketing system sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Abril. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng MMC, ang dry run para sa naturang bagong sistema ay sisimulan nila sa una at ikalawang linggo […]
-
Myla Pablo lumipat na sa F2 Logistics
Si Myla Pablo ay lumipat mula sa Petro Gazz sa F2 Logistics. Ginawa ng ahente ni Pablo na Virtual Playground ang anunsyo noong Biyernes. Ayon kay Pablo, ang paglipat sa Cargo Movers ay isang bagay na kailangan niya para sa kanyang personal na paglaki. “This coming year, papasok ako […]
-
Dalaga na nga ang kontrabida sa ‘Prima Donnas’: ELIJAH, nagpasilip na kanyang pre-debut photoshoot sa kinunan sa Tagaytay
DALAGA na at hindi na bata si Elijah Alejo na mag-turn 18 na sa susunod na buwan. Ang former child actress na nakilala bilang ang kontrabidang si Brianna sa ‘Prima Donnas’ ay papasukin na ang pagiging mature lady at nagpasilip ito ng kanyang pre-debut photoshoot na kinunan sa Chateau De Tagaytay. […]