• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan sa mga kandidato, huwag gamitin ang bagyo sa pamumulitika

UMAPELA si Transportation Secretary Art Tugade sa mga political aspirants na huwag gamitin sa pamumulitika ang relief operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Odette”.

 

Aniya, tinutulungan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga naapektuhan ng bagyong Odette ng walang “publicity.”

 

Aniya, tumutulong ang DOTr sa typhoon-affected areas ng walang publisidad at hindi aniya kagaya ng ibang “political aspirants” na aniya’y sinasamantala ang situwasyon para sa kanilang “election campaigns” sa 2022.

 

“Let us stop politicizing the aftermath of Odette. ‘Wag na nila ibandera kung sino ang naunang gumawa […] Hindi dapat mamulitika. This is one time na dapat ay magsama-sama tayo […] Habang nagdadaldal ang marami, ang DOTr, gumagawa ng tahimik,” ayon kay Tugade.

 

“Ang DOTr, kasama ang aming mga attached agencies, ay nagsagawa ng pre-emptive measures bago pa man humagupit ang Odette. Nandoon kami bago tumama, habang tumatama, at matapos tumama ang Odette sa Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, inilagay naman ng DOTr ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa high alert sa paghahanda para sa bagyong “Odette.” (Daris Jose)

Other News
  • Blu Girls dapat nang maghanda para sa 2022 Asiad – Altomonte

    NAKATAKDA na sa Setyembre 10-25, 2022 ang 19th Asian Games sa Hangzhou City, Zhejiang Province, China.     Kaya gusto na ng dating national women’s softball team skipper, catcher at bagong nombrang secretary general ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASA-Phil) na pabalikin na sa pag-eensayo ang Philippine Blu Girls.     “The national […]

  • P120K damo, nasabat sa 2 drug suspects sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P120K halaga ng marijuana sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang naarestong mga suspek […]

  • Wala ring problema sa billing ng ’Sessionistas’: ICE, thankful na natuloy at sold out na ang pre-Valentine concert

    MARAMI nga ang nag-aabang sa upcoming pre-Valentine concert na “Love, Sessionistas” na binubuo nina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti Navarro, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Nyoy Volante, lalo na ang kani-kanilang fans.  Sa almost 3 hours ang concert, tiyak naman may kanyang-kanyang solo ang pitong Sessionistas at highlights para nga sa kanilang tagahanga. Plus ang pagsasama-sama […]