Panelo, binuweltahan ang komisyon
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang Commission on Audit (COA) na baguhin ang istilo at huwag lumagpas sa mandatong ibinigay dito ng batas.
Ipinalabas kasi ng COA ang preliminary observations sa kabila ng nakabinbing full inquiry kung paano pinangasiwaan ng Department of Health (DOH) ang P67.3 billion funds na nakalaan sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemiya.
Umapela si Panelo kay COA Chairman Michael Aguinaldo na baguhin kung paano kaagad na binugbog sa publisidad ang DOH at isapubliko ang “deficiencies” na nakita nito sa departamento gayong madali namang maareresolba ng ahensiya ang nasabing usapin.
“Michael, alam mo medyo baguhin niyo yung istilo niyo. Trabaho niyo na suriin, pangalagaan ang pera ng bayan. Tama kayo diyan. But do not go beyond yung required lang sa inyo,” ayon kay Panelo sa kanyang commentary show “Counterpoint”.
Batid naman ni Panelo kung paano ang “preliminary observations” ay makapagpakita ng “deficiencies and lack of paperwork,” subalit iyon aniya ay hindi makikita habang ang programa at proyekto sa nasabing ahensiya ay patuloy na ipinatutupad.
“Ang problema, di siyempre may mga preliminary findings, may mga nakita kayo na mali o kulang. Pero yung mali o kulang na proseso, puwedeng iwasto ‘yan kasi hindi pa naman tapos yung proyekto o yung programa. Yung pera, ginagastos pa e ,” dagdag na pahayag ni Panelo.
Aniya, sana’y pinairal ng COA ang “common sense” nito nang ipalabas ang preliminary observations sa publiko laaban sa DoH upang maiwasan na mabahiran ng hindi patas na pang-unawa ang departamento na ngayon ay sinasabing “guilty of corruption.”
“Huwag niyo na munang ilalabas sa publiko. Kanino n’yo ilalabas? Ilabas niyo dun sa taong iniimbestigahan. That’s common sense, Michael,” anito.
Samantala, binuweltahan naman ni Panelo ang mga mambabatas na walag humpay na binatikos ang DOH sa kabiguan nito na itaboy ang Covid-19 infections.
“Yung World Health Organization, makailang ulit na napuri itong pamahalaan sa tama at wasto na pagtugon sa suriliranin ng coronavirus. E bakit ngayon sasabihin mo na palitan? Think, think, think. Ikaw mag think, think, think for a change,” aniya pa rin.
Noong nakaraang buwan, pinuri naman ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasignhe ang ginagawang pamamahala ng Pilipinas sa Covid-19 pandemic sa gitna ng paglitaw ng mas maraming infectious Delta variant.
“The number of people who have succumbed to this virus in the country is comparatively lower than many other countries which were thought to have higher capacity and higher resource access. From that perspective…it appears that the Philippines has done a good job,” ani Abeyasignhe. (Daris Jose)
-
PNP sinuspinde ang ‘BMI policy’ sa pagdidyeta bilang requirement sa promotion ng mga pulis
Inaprubahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suspindihin ang requirement ng Body Mass Index (BMI) para sa promotion ng mga pulis. “I already approved it,” mensahe na ipinadala ni PNP chief Eleazar. Sa memorandum na inilabas ni M/Gen. Rolando […]
-
Home isolation package ng PhilHealth na may mild at asymptomatic systems
Pinaalalahanan kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na may alok silang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga miyembro nitong asymptomatic o may mild lamang na sintomas ng COVID-19. Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ang naturang package ay available para sa mga miyembro nilang nagpositibo sa COVID-19, […]
-
Ni-launch na ang swimwear line: JULIA, perfect model at suportado ni GERALD
NI-LAUNCH na ni Julia Barretto ang sariling swimwear line na The Juju Club. Perfect timing daw ang paglabas sa publiko ng kanyang sariling swimwear brand dahil summer na at maraming nasa beach ngayon. Sino pa nga ba ang perfect model ng kanyang swimwear kundi siya mismo. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang […]