• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na

BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

 

Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna.

 

 

”Binago na nga ‘yung strategy. Mukhang nahuli yata yung mungkahi mo ,” ayon kay Panelo sa kanyang commentary show Counterpoint.

 

 

Sinabi kasi ni Sotto na kailangang tutukan ng pamahalaan ang ”treatment and prevention” sa pamamagitan ng medisina at hindi nakatuon lamang sa pagbabakuna sa mga filipino laban sa Covid-19.

 

 

Ang buwelta naman ni Panelo, walang masama sa nilalayon ng gobyerno na pataasin ang vacci- nation efforts para protektahan ang mga filipino mula sa nakamamatay na sakit. ”

 

 

‘Yung pagdating sa bakuna, hindi ho mababago ang strategy natin doon. The more bakuna, the better for us. Tama yung strategy na ‘yun — bakuna, bakuna, bakuna ,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni National Task Force against Covid- 19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naghahanda na ang pamahalaan na bumili ng mas maraming bakuna bilang booster shots.

 

 

Nakatuon aniya ang pansin ng pamahalaan sa pag-update ng polisiya nito pagdating sa granu- lar lockdowns sa halip na city- wide at province-wide community quarantine.

 

 

Dapat sana, ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim na ng regu- lar general community quarantine (GCQ) mula Setyembre 8 hanggang 30 para bigyang-daan ang pilot granular o localized lockdowns.

 

 

Subalit, nagdesisyon naman ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na ipagpaliban ang GCQ habang nakabinbin naman ang pagpapaabas ng final guidelines sa granular lockdowns.

 

 

Dahil dito, nananatili naman ang Kalakhang Maynila sa ilalim ng stricter modified enhanced community quarantine hanggang Setyembre 15. (Daris Jose)

Other News
  • DOST, nakipag-sanib-puwersa sa US firm para sa paggamit ng AI para sa weather forecasting

    LUMAGDA ang Department of Science and Technology (DOST)  ng Memorandum of Understanding (MoU) kasama ang  United States-based company, ‘Atmo,’ dalubhasa sa  AI-guided weather forecasting.     Sinabi ni DOST Assistant Secretary Napoleon Juanillo na layon ng departamento na mapahusay at makapagbigay ng mas detalyadong daily weather forecasts sa pamamagitan ng  artificial intelligence (AI) technology   […]

  • Dahil sa mga kwestiyunableng paggastos ng OVP at DepEd… VP Sara iginiit target ng Kamara i-impeach siya

    NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na target talaga ng House of Representatives (HOR) na siya ay i-impeach batay na rin sa naging privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano dahil may nakitang kamalian.   Sa panayam kay VP Sara kanyang sinabi na ang ginagawa ngayong pagdinig ng House Committee on Good Government and Public […]

  • Hindi muna mag-ama kapag nasa taping: ZOREN, balik są pagdi-direk para sa anak na si CASSY

    BUMALIK sa pagdidirek sa TV si Zoren Legaspi para sa anak na si Cassy Legaspi.       Dinirek ng aktor ang rom-com episode ng Regal Studio Presents “Fishing for Love” kunsaan kasama ni Cassy ang Sparkada na si Michael Sager.       Naging direktor noon si Zoren sa ilang shows ng GMA tulad […]