Pang-5 housing project sa Maynila, sinimulan na
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
Inumpisahan na ang konstruksyon ng ikalimang housing condominium project sa San Andres Bukid, Maynila na layong mabigyan ng permanenteng bahay ang mga ‘informal settlers’ at nangungupahan sa lungsod.
Sa kabila na bagong galing pa lamang sa COVID-19, sabak agad sa trabaho si Manila City Mayor Isko Moreno sa pangunguna sa ‘groundbreaking ceremony’ ng 20-palapag na itatayong gusali na tatawaging Pedro Gil Residences.
“Habang busy tayong tumatakas sa pandemya, kailangan tuloy ang ating mga pangarap. Nakakapagod. Pero hindi baleng pagod basta makita kong nakangiti kayo masaya na ako,” ayon kay Moreno sa kaniyang talumpati.
Tampok sa Pedro Gil Residences ang 309 residential units na may sukat na 40 sqm. at may dalawang kuwarto, 125 parking slots, health center, limang elevators, swimming pool, activity lawn, function room, fitness center, roof garden sa ikaanim na palapag, limang units ng espasyo na maaaring rentahan, outdoor activity area sa 7th, 13th, at 18th floors at isang basketball court sa roof deck nito.
Nauna nang inumpisahan ang konstruksyon ng San Lazaro Residences nitong nakaraang buwan habang target na matapos na ang konstruksyon ng mga naunang pabahay na Tondominium 1 at 2 at maging ang Binondominium ngayong taon.
-
2 illegal na nagbebenta ng wildlife, timbog sa Maritime police
DALAWANG katao na illegal umanong nagbebenta ng wildlife ang nalambat ng mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa magkahiwalay na entrapment operation sa Tondo Manila at Quezon City. Ayon kay Northern NCR MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, ikinasa ng kanyang mga tauhan ang entrapment operasyon, kaugnay sa All Hands Full Ahead […]
-
Here for Teenage Mothers: Organon joins the San Fernando Pampanga’s Buntis Summit 2023
In the Philippines, women’s health has become a pressing issue in more ways than one, with teenage pregnancy leading the list of primary concerns. With Executive Order 141 signed in 2021, the prevention of teenage pregnancy has become a national priority. This has become the foundation for the National Safe Motherhood Program by the Department […]
-
Top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA, nabitag sa Caloocan
ISANG lalaki na kabilang sa top 10 priority list ng PDEA Pro MIMAROPA at listed bilang High Value Individual (HVI) ng Oriental Mindoro Provincial Police Office ang nasakote ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si John Paul Villafuerte alyas […]