Pang-anim na suspek sa pagpatay sa estudyante sa Valenzuela, timbog
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nasakote na rin ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang pang-anim na suspek sa pagpatay sa isang 17-anyos na grade 9 student sa naturang lungsod noong June 19, 2019.
Kinilala ang suspek na si Darryl Dela Serna, alyas ‘Teroy’, 25, na naaresto ng mga operatiba ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PLT Doddie Aguirre sa Barangay Casinglot, Tagoloan Misamis Oriental.
Si Dela Serna ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 75 noong September 9, 2019 para sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa.
Ayon kay PLT Aguirre, nauna nang naaresto ang limang mga suspek na kinilalang sina Benjamin Diaz,18; Adrian Ulile, 18; John Rey Olile, 18; at dalawang minors na edad 14, at, 16-anyos.
Ang mga suspek ang itinuturo na pumatay sa biktimang si Gio Lawrence Balajadia, 17, matapos pagsasaksakin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa Barangay Veinte Reales noong June 19, 2019 kung saan nag-viral pa ito sa social media.
Patuloy pa rin pinaghahanap ng pulisya ang hindi pa nahuhuling suspek. (Richard Mesa)
-
Magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert: BEA at JERICHO, parehong excited na makatrabaho ang mga beterano sa teatro
KAPWA magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert’ sina Bea Alonzo at Jericho Rosales. Sa May 6 na ito at magaganap ito sa Metropolitan Theater sa Lawton, Manila. On Instagram, nag-share sina Echo at Bea ng kanilang excitement na makakatrabaho nila ang mga veteran theater performers sa ‘Ang Larawan: The Concert.’ […]
-
‘It’s now or never’ ang drama ng dating Miss World PH: MICHELLE, kumpirmado na ang pagsali sa ‘2022 Miss Universe Philippines’
CONFIRMED na ang pagsali ng Kapuso actress na si Michelle Dee sa Miss Universe Philippines. Sa kanyang Instagram, pinost ni Michelle, ang kanyang palabang larawan para sa pagsali sa 2022 Miss Universe Philippines. “It’s now or never,” caption pa niya na may hashtag na #DEEpataposanglaban at #forDEEuniverse. Sa application […]
-
Mga dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test
MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at […]