Pangako ni Abalos, ‘no sacred cows’ sa mas pinalakas na anti-drug drive
- Published on June 29, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na walang exempted mula sa ginagawang paglalansag ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Sa katunayan, ipinag-utos ni Abalos sa mga law enforcers na maging “role models” sa kampanya na puksain ang panganib dala ng ipinagbabawal na gamot.
“We have to make a statement. We are going to show our people that the government is serious about this war on drugs. There will be house cleansing, and no one will be spared, ” ayon kay Abalos sa isang kalatas kasabay ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT).
Ani Abalos, ang tema ngayong taon ay “People First: stop stigma and discrimination, strengthen prevention” ay alinsunod sa prinsipyo ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) ng gobyerno, pangunahin sa pagsawata at rehabilitasyon.
“We do not believe in shortcuts. We believe in the rule of law. Trust in government must be sustained. Everyone has a role in this fight. We will increase awareness against the use of illegal drugs, strengthen our community-based drug rehabilitation program, empower the youth, engage with the business sector, and promote an active lifestyle,” ang wika ni Abalos.
Matatandaang, inanunsyo ni Abalos ang pagsasagawa ng random drug testing sa DILG, sa attached agencies nito at , lokal na pamahalaan bilang bahagi ng BIDA Program ng departamento.
Tinatayang 50 police officers ang sinampahan ng criminal at administrative cases para sa di umano’y nakagawa ng iregularidad sa pagbawi ng P6.7 bilyong halaga ng “shabu” noong Oktubre noong nakaraang taon.
“The aim of this year’s campaign is to raise awareness about the importance of treating people who use drugs with respect and empathy; providing evidence-based, voluntary services for all; offering alternatives to punishment; prioritizing prevention; and leading with compassion,” ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime ngayon ipinagdiriwang ang IDADAIT. (Daris Jose)
-
SARAH, umamin na rewarding at challenging ang buhay may asawa; MATTEO, proud at nag-uumapaw ang pagmamahal
ANG sweet naman ng mga dedicated fans ng married couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, dahil sila ang nag-post sa social media nang mag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang first wedding anniversary, sa Coron Palawan. Matatandaang kinasal sina Matteo at Sarah noong February 20, 2020. Nag-post din si Matteo on their special […]
-
10-M subscriber: Ivana, ‘timeout’ sa sexy image nang mamigay ng Christmas package
Tila ginulat ni Ivana Alawi ang publiko kahit ‘yaong mga fans niya matapos ang pansamantalang pag-awat sa kanyang sexy image. Ito’y matapos mag-celebrate sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda sa mga kapus-palad, mahigit isang buwan mula nang makahakot ng 10 million subscriber sa kanyang YouTube channel. Taliwas kasi sa nakagawiang pagsusuot ng mga […]
-
P340K droga nasabat sa 2 HVI sa Valenzuela drug bust
MAHIGIT P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga. Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ikinasa […]