Pangako ni PBBM, susuportahan ang karapatan ng mga mamahayag
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susuportahan at poprotektahan ng kanyang administrasyon ang karapatan ng mga mamahayag sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Tinukoy ng Pangulo ang kanyang kahandaan na pakinggan ang lahat ng hinaing ng mga ito.
“Under my lead, we will support and protect the rights of the media as they efficiently perform their duty. Whatever difficulties we may encounter from this point on, the government will always be ready to lend an ear and to listen to your concerns and to answer all that you may want to know,” ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa idinaos na President’s Night na inorganisa ng Manila Overseas Press Club sa Sofitel Plaza sa Pasay City.
Ang nasabing event ay dinaluhan ng mahigit sa 400 media professionals at top executives ng mga malalaking kumpanya sa bansa.
Batid ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa paghulma ng aktibong mamamayan na nakapag-aambag sa pag-unlad ng lipunan.
“The nation counts on media in improving access to information and increasing awareness on issues that affect our country and the world,” wika ng Pangulo.
Tinukoy din ng Chief Executive ang kahalagahan ng ”proactive participation” ng media na panatilihing ipabatid sa mamamayan ang “forms part of our collective goal to empower Filipinos and establish a more robust Philippines.”
Nangako rin ang Pangulo na ipaaalam niya sa mga miyembro ng media ang plano ng kanyang administrasyon.
“As I share your club’s conviction in the importance of upholding the universal right of free speech and press freedom, as well as giving and receiving accurate information, I’m committed to remain open with you, constantly communicating our progress as we move forward,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga mamahayag na epektibong iparating sa publiko ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at inisyatiba nito tungo sa pag-unlad ng bansa.
“It is the job of our media practitioners to not only analyze, not only give their opinion, but to also inform and let our people know what the government is doing and how it will help their lives, and how they can be part of that process of progress that we have started,” aniya pa rin.
Sa halip na maging lider, magiging katuwang rin aniya siya ng mga mamahayag sa pagsisikap na pamunuan ang bansa na mapagtanto ang “shared aspirations” nito.
Sa nasabi pa ring event, inulit ng Punong Ehekutibo ang panawagan nito na pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagbuti ng buhay ng mga filipino.
“Unity remains one of the primary driving forces in pursuing economic recovery,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
PBBM, pinagtibay ang ugnayan sa Estados Unidos, itinaon sa pagdiriwang ng Philippine-American friendship day
PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng pagdiriwang Amerika ng kanilang Independence Day. Nagkataon naman ito sa Philippine-American Friendship Day. Sa isang tweet, inilarawan ng Pangulo ang Philippines-US relations bilang “deep connection… built on the foundation of trust and collaboration.” “As […]
-
LTO inatasan ang Regional Directors na tapusin ang pamamahagi ng plaka ng tricycle bago ang Abril 30, 2025
INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng mga regional director na tiyaking maipamahagi na ang lahat ng plaka ng tricycle, partikular ang mga ginagamit sa pampublikong transportasyon, bago ang Abril 30 ngayong taon. Ang kautusan ay inilabas matapos lumabas sa imbentaryo ng mga naimprentang plaka […]
-
DOJ, hindi ititigil ang imbestigasyon laban kay VP Sara Duterte
TINIYAK ng Department of Justice na hindi nila ititigil ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ay may kaugnayan sa naging assassination remarks ng bise sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., FL Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez kamakailan. Kinumpirma ni Justice Undersecretary Jesse […]