• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangako ni Recto, mapagtatagumpayan ang P4.2T revenue target sa 2024

GAGAWIN lahat ni bagong Finance Secretary Ralph Recto ang kanyang makakaya para mapagtagumpayan ang target ng gobyerno na makakolekta ng P4.235 trillion na buwis ngayong taon.

 

 

Ang pangako na ito ni Recto ay kanyang inihayag matapos ang panunumpa niya sa kanyang bagong tungkulin sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Kalihim ng Department of Finance (DOF) sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“[I would] make sure that money is spent wisely, the idea is to stretch every peso, including acting faster on investment,” ayon kay Recto.

 

 

Sinasabing ang revenue target para sa 2024 ay nauna nang na-project ng Development Budget Coordination Committee.

 

 

Bilang bagong Kalihim ng DoF, sinabi ni Recto na susundin nito ang National Development Plan na nilikha ng administrasyong Marcos at titiyakin ang patuloy na implementasyon ng macrofiscal framework.

 

 

Ginarantiya naman ni Pangulong Marcos ang kakayahan ni Recto, sabay sabing ito’y mayroong “true understanding of how the Philippine economy works.”

 

 

“In terms of what Secretary Ralph has to offer, I think there is no need to enumerate that,” ayon sa Pangulo kung bakit niya pinili si Recto para mamuno sa nasabing departamento.

 

 

“He has a true understanding of our economy. He has a true understanding of how our Philippine economy works. And I think that is the quality that he will bring to this,” aniya pa rin.

 

 

Binanggit din ni Pangulong Marcos ang karanasan ni Recto bilang dating director general ng National Economic and Development Authority at isang mambabatas.

 

 

Binigyang diin na mayroong “so many new ideas and new commitments” si Recto para i-transform ang ekonomiya ng bansa.

 

 

Aniya pa, si Recto ay mayroong “remarkable” career in public service and excelled in various roles within the government, would be a “major player” in sustaining the country’s economic growth, reaching the medium-term fiscal target, and achieving developmental goals.”

 

 

Samantala, nakipagpulong naman si Pangulong Marcos sa economic team para pag-usapan ang mahabang listahan ng mga pangunahing proyekto na naglalayong pagbutihin pa ang ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

“The policies remain the same. The fiscal discipline will remain the same. However, we are again, as I said, looking to see if there are any new ways to handle that,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“We actually sat down a few days ago and made a list of priorities, in terms of specific projects, in terms of the development of the proposals that were made during the trips that we made abroad. There is not just one. There are several,” aniya pa rin.

 

 

Kumpiyansa namang inihayag ni Pangulong Marcos na malaki ang maitutulong ni Recto para “devise strategies that will tame inflation through a bastion of responses ranging from plugging supply gaps to injecting nonmonetary measures so that prices will be stable.”

 

 

Aniya pa, mapakikinabangan ni Recto ang kanyang impluwensiya bilang dating mambabatas sa Kongreso para tiyakin na maipapasa ang mga batas na “accelerate growth, draw in investments, and create better jobs while raising funds that will be invested back for human and physical capital formation.”

 

 

“Many of the measures that make tax regimes more efficient, easy to administer and to comply with, and equitable are in the advance stages in both Houses of Congress,” ayon pa rin sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ ang kandidatong ayaw sumipot sa debate

    TINAWAG  ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate.     Hindi man nagbanggit ng pangalan, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate.     Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one […]

  • LENTE at COMELEC nagsagawa ng Voters Education Seminar sa Bilibid

    NAGKASA ang Commission on Elections (COMELEC) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ng voter’s education seminar para sa 500 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison noong Abril 28.nnMay temang “PDL: Pantay Dapat Lahat” sa Inmate Visitation Services Unit ng Maximum Security Camp ang ginanap na programa.nnAyon kay LENTE Executive Director Atty. […]

  • Phoenix Suns, sumandal kay Deandre Ayton para pahiyain ang Utah Jazz

    Bumida si Deandre Ayton ang panalo ng Phoenix Suns laban sa Utah Jazz.   Kumamada si Ayton ng 29 points at 21 rebounds para pangunahan ang panalo ng Phoenix Suns kontra Utah Jazz, 113-112.   Sa kanilang home victory nakarami si Ayton ng steal sa final minute at gumawa ng 11 sa 19 field goals. […]