• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangakong gagawing world class ang AFP muling iginiit ni PBBM

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang pangako na gagawing modernisado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hanggang sa Ito’y maging world-class’.

 

 

 

“Be assured that this Administration remains committed to transforming our AFP into a world-class force that is a source of national pride and national security,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa idinaos na joint graduation ceremony ng Major Services Officer Candidate Course (MS OCC).

 

 

Ang MS OCC ay one-year program para sa mga baccalaureate degree holder na iko-komisyon bilang mga opisyal ng Philippine Army (PA) at Philippine Air Forces bilang Second Lieutenants. Ito rin ay para sa Philippine Navy (PN) bilang Ensigns sa AFP regular force.

 

 

“We will modernize your equipment, enhance your training programs, ensure that you are equipped to face challenges not just of today, but also of the future. Because together, we will build an AFP that will stand as a beacon of strength, of alliance, resilience, and technological excellence,” aniya pa rin.

 

 

Kamakailan ay inihayag ng Philippine Navy ang mga planong kumuha ng dalawang karagdagang corvette warship at anim na offshore patrol vessels (OPVs) sa ilalim ng patuloy na modernization program ng militar.

 

 

Ipinahayag ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng West Philippine Sea (WPS), na ang mga acquisition ay bahagi ng “Re-Horizon 3,” ang ikatlong yugto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program. Ang programa ay may badyet na $35 bilyon (mahigit P2 trilyon).

 

 

“Hindi ito one-shot deal; ito ay isang tuluy-tuloy na programa upang tasahin at paunlarin ang ating mga kakayahan sa cyber, command and control, at land, sea, at air operations,” sabi ni Trinidad.

 

 

Nauna nang kinumpirma ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga update sa Horizon 3. Isang kontrata noong 2021 sa Hyundai Heavy Industries ang naglaan ng P28 bilyon para sa dalawang modernong corvette, na nagpapakita ng progreso sa programa.

 

 

Ang pagpapalakas ng Navy ay nagmumula sa gitna ng patuloy na tensyon sa South China Sea, kung saan nagpapatuloy ang mga agresibong aksyon ng China, kabilang ang mga pag-atake ng water cannon at mga banggaan ng barko, sa kabila ng desisyon ng 2016 Hague tribunal na pabor sa Pilipinas.

 

 

Sa kabila ng mga hamon na ito, sinabi ni Trinidad na mananatili ang Navy ng mga patrol sa WPS nang hindi tumutugon sa mga provokasyon ng China.

 

 

Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga graduate na isakatuparan ang kanilang mandato na may kahusayan. ( Daris Jose)

Other News
  • Ads July 11, 2023

  • 45 BI officers sa ‘Pastillas’ pinasisibak ng Ombudsman

    PINASISIBAK  ng Office of the Ombudsman (OMB) sa serbisyo ang 45 officials at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas” extortion scheme.     Batay sa 143-page decision ng Ombudsman noong March 21, napatunayang nagkasala o  “administratively liable for grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service” ang […]

  • Habang may naghihirap, ayuda ng pamahalaan ‘di titigil – Tulfo

    ANONG kakainin o ipapakain sa pamilya nya kung hindi aayudahan ng gobyerno?”     Ito ang sinabi ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa isang radio interview hinggil sa usapin ng ayuda ng pamahalaan.   Natanong kasi si Cong. Tulfo na “hindi kaya tinuturuan ng pamahalaan ang mga mahihirap na maging tamad dahil lagi na lang […]