• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangarap ni Jerusalem natupad

Pinangarap ni world boxing champion Melvin Jerusalem na lumaban sa harap ng kanyang mga kababayan.

 

 

 

At ngayong natupad na ito ay hindi sasayangin ng World Boxing Council (WBC) minimumweight king ang pagkakataon.

 

 

“Kasi pangarap kong maka-depensa dito sa Pilipinas, kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon,” sabi ni Jerusalem sa panayam ng Philstar.com matapos ang kanyang media workout kahapon sa Elite Gym sa Bonifacio Global City sa Taguig.

 

Nakatakdang ipagtanggol ni Jerusalem, nagdadala ng 22-3-0 win-loss-draw ring record tampok ang 12 knockouts, ang kanyang korona kontra kay Mexican mandatory challenger Luis Angel Castillo (21-0-1, 13 KOs) sa Linggo sa Mandaluyong City College Gym.

 

Ang 30-anyos na si Jerusalem ang isa sa dalawang natitirang Filipino reigning world champions bukod kay Pedro Taduran na may suot ng International Boxing Federation (IBF) minimumweight belt.

 

Kasama sina trainer Michael Domingo at top promoter JC Mananquil ng Sanman Boxing, sumalang si Jerusalem sa skipping rope, shadow boxing, mitts at heavy, speed at double-end bags.

 

 

Napasakamay ng tubong Manolo Fortich, Bukidnon ang WBC minimumweight belt matapos ang via split decision laban kay Japanese Yudai Shigeoka sa Nagoya noong Marso 31.

 

 

Kumpiyansa si Jerusalem na maipapalasap niya sa 27-anyos na si Castillo ang kauna-unahan nitong kabiguan.

 

 

“Laruin lang natin, Sir. Ibigay natin ang best natin,” wika ng Pinoy champion.

 

 

Naniniwala rin siyang makukuha ang minimumweight limit na 105 pounds sa nakatakda nilang official weigh-in ni Castillo sa Sabado.

Other News
  • BANTAYAN ANG MGA ANAK

    DUMARAMI ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa araw-araw na sa pinakahuling report, umabot na sa 49 ang kaso ng sakit, pero pagtitiyak ng Department of Health (DOH) na mahigpit ang ginagawa nilang pag-monitor sa mga nakahalubilo ng mga napaulat na nagpositibo sa COVID-19.   Marami naman ang nagtataka kung bakit bigla ang pagtaas at […]

  • Austria, bukas para mag-hire ng 200,000 Filipino sa darating na taon

    LOOKING forward ang Austrian government na tumanggap ng mas maraming Filipino worker,  dahil sa  mahigit sa 200,000 job openings ang magiging available sa mga darating na taon.     Sa isang joint statement ng  Department of Migrant Workers at  Austrian Delegation on the Hiring of Filipino Workers for Austria, kailangan ng bansa  ng  75,000 healthcare […]

  • KARLA, nababatikos dahil sa desisyong tumakbo na party-list representative ng partidong bumoto laban sa ABS-CBN

    HINDI namin talaga maintindihan kung bakit tumakbo na party–list representative si Karla Estrada sa partidong ang representative ay bumoto against sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.     Parang adding insult to injury naman ang ginawa ni Karla. Pinasikat ng ABS-CBN ang kanyang anak na si Daniel Padilla at binigyan din siya ng regular program […]