• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangingisda, pinapayagan na ngayon sa katubigan sa pitong bayan sa Oriental Mindoro

IDINEKLARA ng oil spill task force na nasa “acceptable standards” na para sa  fishing activities ang municipal waters ng Clusters 4 at 5  sa bayan ng Oriental Mindoro na labis na tinamaan ng oil-spill.

 

 

Ayon sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO),  ibinatay ng Task Force MT Princess Empress Oil Spill Incident ang kanilang desisyon sa pinakabagong laboratory tests results ng tubig at isda  na isinagawa ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Abril 17 at 24.

 

 

Ang Cluster 4 ay binubuo ng mga munisipalidad ng Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao, habang ang Cluster 5 ay binubuo naman ng munisipalidad ng  Puerto Galera, Baco, at San Teodoro.

 

 

Sinabi pa ng task force na ang katubigan ng Clusters 1, 2 at 3, binubuo ng  bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria ay  Bansud, ay hindi pa rin rekumendado para sa  fishing activities bunsod ng panganib ng kontaminasyon ng oil spill na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis.

 

 

Idinagdag pa ng task force na mananatiling ipinatutupad ang  precautionary measures kung saan ang antas ng kontaminsayon ay  mayroong panganib para sa  food safety mga isda at  fisheries products.

 

 

Sa gitna ng kaganapan na ito, sinbai ng  PCO  na ang time-series monitoring ng lahat ng sites ay magpapatuloy ayon sa scheduled sampling plan ng  BFAR.

 

 

Samantala, patuloy namang nagsasagawa ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng kanilang  air at water sampling  kabilang na ang hazardous waste monitoring at management ng lahat ng apektadong lokalidad.

 

 

Sinabi ng DENR na sa Region 4B, ang lahat ng lugar na matatagpuan sa hilaga ng ground zero o bayan ng Naujan ay mayroong mababang naitalang  “oil at grease” kumpara sa  katimugan.

 

 

Idinagdag pa ng DENR na “all monitored shorelines affected by the oil spill have generally improved and all monitored areas in the municipality of Pola are all within the water quality guidelines for oil and grease based on the last sampling result available.” (Daris Jose)

Other News
  • BSP, nag-award ng P5-B kontrata para sa bagong polymer banknotes — COA

    NAG-AWARD ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga kontrata na nagkakahalaga ng halos P5 bilyon para sa bagong polymer o plastic banknotes. Nakasaad sa annual report ng Commission on Audit (COA) na inaprubahan ng BSP ang limang supply contracts na nagkakahalaga ng P4.9 billion para sa bagong P50, P100, P500, at P1,000 banknotes. Ang […]

  • Kyrgios di muna makakalaro dahil sa injury

    Si Nick Kyrgios ay umatras sa Australian Open ngayon Lunes dahil sa injury nang hindi nito natamaan ang bola at masama ang kanyang loob at hindi siya makakalaban sa Grand Slam na ginanap sa kanyang bansa.   Ang talentadong ngunit masungit na Australian, na itinuturing na isang panlabas na pagkakataon na manalo ng titulo, ay […]

  • Graduation, recognition rites, hindi dapat gamitin bilang political forum

    ANG PAGSASAGAWA ng End-of-School-Year (EOSY) rites ay dapat na maging malaya mula sa anumang electioneering at partisan political activity.     Sa virtual press briefing, inulit ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary for Curriculum and Instruction Alma Torio ang mahigpit na pagsunod sa DepEd Order No 48 s. of 2018 o “Prohibition of Electioneering […]