• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangulong Marcos, ipinaabot sa publiko ang kanyang pagbati para sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2023

IPINAABOT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pagbati habang ipinagdiriwang ng buong mundo ang Chinese New Year 2023.

 

 

Sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng mga pagdiriwang, nakikilala ang mga ugnayang nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya, isang komunidad, at bilang isang bansa.

 

 

Aniya, habang ipinagdiriwang ang bagong taon ng mga Chinese, dapat rin umanong bigyang pansin ang yaman ng kultura at kasaysayan na naging dahilan upang maging makulay at masigla ang ating bansa sa kasalukuyan.

 

 

Higit pa rito, hinimok ni Pangulong Marcos ang lahat na tumuon sa muling nagpapatibay sa mga buklod ng pagkakamag-anak at pagkakaibigan na nagbigay-daan na makayanan ang lahat ng hamon at malampasan ang mga pagsubok na dumating sa buhay ng mamamayan.

 

 

Dagdag dito, todo ang galak ng pangulo para sa mga Filipino-Chinese na kabilang sa komunidad ng bansa dahil panibagong kabanata muli ang kanilang kahaharapin sa buhay.

 

 

Una na rito, iginiit pa niya na bilang mga Pilipino, dapat na magtulungan at magkaisa ano pa man ang lahi para sa ikauunlad ng ating bansa.

Other News
  • KO win target ni Pacquiao

    Puntirya ni eight-division world champion Manny Pacquiao na masikwat ang matikas na knockout win kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan sa Linggo (oras sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.     Matagal-tagal na ring hindi nakakakuha ng KO win si Pacquiao na ang huli ay noon […]

  • Taxi group humihingi ng P20 hike sa flagdown rate

    SA GITNA ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong gasolina, ang mga taxi drivers at operators ay humihingi ng P20 hike sa flagdown rate.   Ayon kay president ng Philippine National Taxi Operators Association Bong Suntay sila ay umaapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan na magtaas ang minimum na […]

  • NLEX isinama sa active player ang veteran player na si Asi Taulava

    Magiging aktibo muli sa paglalaro ang veteran player ng NLEX na si Asi Taulava.     Kasama si ang Fil-Tongan player sa 15-man roster na inilista at maglalaro sa 2021 PBA Governors’ Cup.     Sinabi ni NLEX coach Yeng Guiao na sa edad ni Taulava ay maganda pa rin ang kaniyang pangangatawan.     […]