Pangulong Marcos ipinagpaliban EDSA rehab
- Published on June 3, 2025
- by @peoplesbalita

Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo bilang tugon sa panawagan ng publiko.
Sinabi ng Pangulo na kailangang pag-aralan ang proyekto ng isang buwan para malaman kung may mga bagong teknolohiya na magagamit para mapabilis ang rehabilitasyon.
Umaabot sa 23.8 kilometro ang kahabaan ng EDSA.
Ayon sa Pangulo, malaking sakripisyo ang dalawang taong rehalibitasyon.
“Pause muna doon sa ating rehabilitation. Huwag muna nating gagawin dahil pag tinitingnan natin yung cost-benefit and analysis, maganda sana kung maayos natin. Ngunit ang laking sakripisyo nu’ng dalawang taon. Masyadong mabigat, mahigpit ang traffic,” ani Marcos
Dapat umanong gumawa ng magandang plano na magpapabilis sa planong dalawang taong rehabilitasyon.
“Bigyan natin ang sarili natin ng isang buwan. Pag-aralan natin itong bagong teknolohiya na nakikita natin. Gumawa tayo ng magandang plano. Baka naman imbes na dalawang taon, magawa natin sa isang buwan. Tingnan natin kung anong available sa atin,” sabi ni Marcos.