Panibagong 1.5-M doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa PH
- Published on May 8, 2021
- by @peoplesbalita
Dumating na sa Pilipinas ang 1.5-million doses ng COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan sa Chinese company na Sinovac.
Bago mag-alas-8:00 ng umaga kahapon, Biyernes nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang flight ng Cebu Pacific na may lulan sa shipment ng mga bakuna.
Ito na ang pinakamalaking shipment ng COVID-19 vaccines na dumating sa bansa.
Mismong sina Health Sec. Francisco Duque III at vaccine czar Sec. Carlito Galvez ang sumalubong sa shipment ng Chinese vaccines.
Sa kabuuan, mayroon nang natanggap na 5-million doses ng Sinovac vaccine ang Pilipinas.
Kabilang na ang 1-million doses ng donasyon ng Beijing.
Una nang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na may 2-million doses ng Sinovac vaccines na inaasahang darating ngayong buwan.
Batay sa datos ng Food and Drug Administration, may efficacy rate na 65% to 91% ang Chinese vaccine sa mga malulusog na indibidwal, at may edad 18 to 59 years old.
Nasa pagitan naman ng 51% to 52% ang efficacy rate sa mga senior citizens.
Habang 50.4% ang efficacy rate ng naturang bakuna sa mga healthcare workers.
Ayon sa miyembro ng DOST-Vaccine Expert Panel na si Dr. Rontgene Solante, walang dapat ikabahala ang publiko sa mababang efficacy rate, dahil kinikilala ng World Health Organization ang bisa ng mga bakunang nasa higit 50% ang efficacy rate.
“COVID-19 vaccine is so important because aside from the minimum health standard protocol, and all of those prevention method, napaka-importante na you’ll also develop immunity on your own.” (Gene Adsuara)
-
Kelot na nasangkot sa kaguluhan sa Caloocan, timbog baril
SA kulungan ang bagsak ng 29-anyos na lalaking may dalang baril matapos masangkot sa isang kaguluhan sa Caloocan City. Nakumpiska ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Paul Jady Doles kay alyas “Mar” ang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Brgy. 17, Camarin, North […]
-
100 pekeng accounts na pag-aari ng pulis at military sa Pilipinas, binura sa Facebook
DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa naging hakbang ng Facebook kung saan mahigit 100 pekeng accounts ang na-trace na pag-aari ng police at military units ng Pilipinas ang tinanggal dahil sa “coordinated inauthentic behavior” (CIB). “We leave to the sound judgment and discretion of the popular global social networking company,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. […]
-
Aplikasyon na asylum sa bansang The Netherlands… Taktika ni Roque para hindi matanong at magisa sa mga isiniwalat nito sa Quad Comm hearing
TAKTIKA ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na maghain ng aplikasyon ng asylum sa bansang The Netherlands. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na taktika ito ni Roque para hindi na muling matanong sa kanyang mga isiniwalat sa Quad Comm hearing patungkol sa kanyang […]