• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panibagong listahan ng pekeng pangalan ng umano’y Budol Gang — na tinagurian nitong “Team Grocery”, ibinunyag

IBINUNYAG ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V (La Union) ang panibagong listahan ng pekeng pangalan ng umano’y Budol Gang — na tinagurian nitong “Team Grocery.”

Kabilang na dito ang Pampano, Harina, Casim, Bacon, at Patty Ting, na nakalista bilang beneficiaries umano ni Vice President Sara Duterte sa P500 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon sa mambabatas, ang mga bagong pangalan ay kahalintulad sa iba’t ibang uri ng pagkain na kadalasang nakikita sa palengke at groceries.

Nangunguna sa listahan ay isang “Beverly Claire Pampano,” isang kilalang isda na ibinebenta sa bansa, na sinundan ng “Mico Harina,” “Patty Ting,” “Ralph Josh Bacon,” at “Sala Casim.”

“Mukhang listahan po ng mga bibilhin sa palengke o grocery ang mga bagong pangalang nakita natin,” pahayag ni Ortega.

Sinabi pa ni Ortega na ang mga naturang pangalan ay kasama sa listahang isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA).

Katulad ng unang listahan, ang mga nasabing pangalan ay hindi nakita sa official birth, marriage o death records mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Kung hindi sila totoong tao, nasaan napunta ang pondo?. Hindi ito ang unang beses na may nakita tayong katawa-tawa o kakaibang pangalan. Ang mas nakakalungkot, patuloy itong nadadagdagan. Typo ba ito? Mukhang may effort na talagang mag-imbento ng listahan para pagtakpan kung saan dinala ang pondo,” pahayag ni Ortega.

Noong nakaraan ay ibinunyag ni Ortega ang mga pekeng pangalan na “Amoy Liu,” “Fernan Amuy,” at “Joug De Asim,” na nasa listahan ng benepisaryo umano ng confidential funds ng DepEd ng kalihim pa ang vp.

Bukod kina “Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin,” nakita din ang pangalan ng “Renan Piatos,” “Pia Piatos-Lim,” “Xiaome Ocho,” “Jay Kamote,” “Miggy Mango” ant limang indibidwal na may pangalang “Dodong.”

(Vina de Guzman)

Other News
  • PBBM, ininspeksyon ang rice processing sa Isabela

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-inspeksyon sa Rice Processing System II (RPS II) sa Echague, Isabela. Ang pasilidad ay bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program na may kabuuang investment na P67.48 million. Inilunsad noong November 2024, kasama sa RPS II ang multi-stage rice mill na may kapasidad na tatlong tonelada […]

  • MMDA, magde-deploy ng mahigit sa 2.7K personnel para sa Mahal na Araw

    NAKATAKDANG mag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,681 tauhan nito sa iba’t ibang pangunahing lansangan, transport hubs, at iba pang mahahalagang lugar sa National Capital Region (NCR) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.     Sa isang kalatas, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na ang mga tauhan […]

  • Ika-3 titulo ng Ronda, pepedalin ni Morales

    SOBRANG pinagmamalaki ni Jan Paul Morales ang kanyang mga kakampi sa Standard Insurance-Navy.   Pinahayag kahapon (Biyernes) ng two-time bikathon champion, na puwedeng makopo ng kanyang tropa ang titulo sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na sisiklab ngayong araw (Linggo) sa harap ng Sorsogon Provincial Capitol.   “Kahit sino sa mga kakampi ko puwede […]