• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panibagong round ng fuel subsidy ipalalabas sa buwan ng Abril- DBM

NAKATAKDANG ipamahagi ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidiya para sa public transport drivers at delivery riders, at diskwento para sa agriculture sector sa darating na Abril.

 

 

Isa pang P2.5 bilyong piso ang inilaan para sa subsidiya para sa public utility vehicle (PUV) drivers at P600 milyong piso naman para sa agriculture sector.

 

 

“To help them cope with the rising prices of petroleum products,” ayon kay Acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda.

 

 

“Mayroon pa silang inaasahan next month,” ayon kay Canda.

 

 

Ngayong buwan, mamamahagi ang gobyerno ng first tranche ng susidiya.

 

 

Mahigit sa 377,000 public utility vehicle drivers ang inaasahan na makatatanggap ng P6,500 bawat isa habang sa agriculture sector naman ay makatatanggap ng P3,000 bawat isa.

 

 

Tumanggi naman si Canda na magbigay ng timeline sa pamamahagi ng P200 monthly subsidy para sa mahihirap na pamilya subalit tiniyak na maibibigay ang nasabing financial assistance.

 

 

“Maaaring ibigay ng April or May, depende kasi sa certification ng [Bureau of the] Treasury,” anito.

 

 

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ng finance department na magbigay ng P200 monthly subsidy sa “bottom 50 percent of all Filipino households” para sa taong kasalukuyan sa halip na suspendihin ang fuel excise taxes sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Sinabi ni Canda na ang P33.1 billion na inilaan para sa cash aid ay manggagaling mula sa unprogrammed appropriations sa ilalim ng national budget.

 

 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mamamahala sa distribusyon ng subsidiya.

 

 

“Ang hindi ko lang alam [ay] kung papano ito madi-distribute ng DSWD, kung gagawin ba ito quarterly o initial na bigay medyo malaki,” ani Canda.

 

 

“Matrabaho naman kasi kung every month naglalabas ang DSWD ng P200. So baka lump sum nang lump sum ang gagawin nila,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matapos ang 11 consecutive weeks ng oil price hikes, magpapatupad ang local industry ng rollback sa paparating na linggo, kauna-unahan para sa taong 2022.

 

 

Sa pagtaya ng industriya, “oil companies may lower their prices of diesel by P11 to P11.70 per liter, gasoline by P6 to P6.20 per liter, and kerosene by P8.70 to P8.80 per liter.” (Daris Jose)

Other News
  • NTC: Higit 11.2 milyong SIM card nairehistro na

    UMAABOT na sa mahigit 11.2 milyon ang mga SIM cards na nairehistro sa bansa.       Batay sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon, nabatid na hanggang nitong Enero 2, 2023, kabuuang 11,219,722 SIM cards na ang nairehistro.       Kabilang dito ang 1,017,012 ng DITO Telecommunity; 5,030,649 ng Globe […]

  • NLEX sablay sa bentahan vs barat na buyer

    BUKING na sa sektor ng negosyo na pinagbibili na ng may-ari ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors ang prangkisa nito sa Philippine Basketball Association (PBA).   Nabatid sa isang impormante na may nakikipagnegosasyong isang malaking kompanya sa pangasiwaan ng Road Warriors para sa bentahan ng isa sa tatlong PBA team ni Manuel V. […]

  • Santos, katropa may tampururot kay Austria

    KLINARO Ni Leovino ‘Leo’ Austria ang ikinatatampo sa kanya ng San Miguel Beer players.   “Nagtatampo sila sa akin ‘yung players dahil sinasabi ko raw na matatanda na sila,” bulalas ng eight-time SMB champion coach sa Philippine Basketball Association (PBA).   “Wala naman akong sinabing ganu’n. Ang sabi ko lang we’re not getting any younger […]