• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panibagong taas-presyo ng sardinas at noodles, inalmahan ng Gabriela Partylist

INALMAHAN ng Gabriela Partylist ang panibagong taas-presyo ng sardinas at instant noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at krisis.

 

 

Batay sa ulat, aprubado ang 3%- 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba pang konsiderasyon.

 

 

Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, dagdag dagok ito sa mga mahihirap na umaasa lang sa de lata at noodles para maitawid ang gutom ng kanilang mga pamilya.

 

 

Wala aniyang ibang mapagpipilian na kakainin ang mahihirap dahil maging ang gulay ay napakamahal na.

 

 

Dapat aniyang kagyat na ipasa ang House Bill 409 ng Gabriela Partylist o ang panukalang P10,000 ayuda sa mga pamilyang lubhang apektado ng taas-presyo, kalamidad at pandemya lalo’t malawak ang kawalan ng trabaho.

 

 

Isusulong din ng mambabatas ang amyenda sa Price Act para pahigpitin ang price control sa mga batayang bilihin. (Ara Romero)

Other News
  • Butuanon champion sa 2024 Asian Muay Thai Open Cup Invitational, naghahanda na sa SEA Games

    NAGPAPA-condition na ngayon ang Butuanon na kampyon sa 2024 Asian Muay Thai Open Cup Invitational dahil sa malaking tsansa nitong makakasali sa 2025 Southeast Asian Games o SEA games.     Ito’y matapos maka-gold medal sa nasabing men’s u23-60 kg category na isinagawa sa Taipei, Taiwan nitong huling bahagi ng Oktubre ngayong taon si Ejay […]

  • Valdez pambato sa Women’s Volleyball PH pool sa SEAG

    Anim na Creamline stars, sa pangunguna ni Alyssa Valdez at reigning MVP Tots Carlos, ang nanguna sa 17-member women’s national volleyball pool para sa 32nd Southeast Asian Games sa Mayo sa Phnom Penh, Cambodia.   Ibinunyag ng mga source ng  ang listahan kung saan si Valdez, na nagpapagaling pa rin sa right knee injury na […]

  • Ads April 29, 2021