‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa 2016 – Chinese spy
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
IBINUNYAG ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang na taong 2016 pa nagsimula ang ‘paniniktik’ nila sa Pilipinas kung saan nakatrabaho niya si dating Bamban mayor Alice Guo.
Sa pahayag ni She sa Al Jazeera documentary, sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling. Pinangakuan siya ng kanyang recruiter na ibabasura ang kanyang kaso kung tatanggapin ang ‘intelligence work’.
Dito na nagsimula ang kanilang paniniktik o epionage kasama si Guo para sa Ministry of State Security ng China na umano’y secret police agency ng communist party.
Sinegundahan din ni She ang imbestigasyon ng Senado na purong Chinese si Guo na ang ina ay si Lin Wen Yi.
Ani She, nakasaad din aniya sa record na si Guo Hua Ping ay tumira sa Fujian province na local address Communist Party ng China.
Dagdag pa ni She, sinira ng China ang kanilang buhay ni Guo. Dapat nang sabihin ni Guo ang totoo.
Si She ay kasalukuyang nakapiit sa Thailand at naghain ng repatriation sa China.
Ayon naman kay Senate President Francis Escudero, desisyon na ng Departments of Justice (DOJ) at Foreign Affairs (DFA) kung makikipag-ugnayan sa Thailand authorities para mas maimbestigahan ang ibinunyag ni She laban sa dating alkalde ng Bamban. Muli namang iginiit ni Guo na hindi nya kilala ang Chinese spy sa documentary.
“Hindi po ako spy. Totally po hindi ako spy. Hindi ako ang nasa picture at hindi rin po ako ang sinasabi niya,” mariing sagot ni Guo nang hingan ng komento ni House Quad Committee Overall Chair Rep. Robert Ace Barbers. (Daris Jose)
-
Ads June 3, 2024
-
PDu30, hindi naging pabaya sa pag-iimbestiga sa drug war killings
Ang pagpapalabas ng impormasyon ng 52 kaso ng police anti-drug operations na nagresulta sa pagpatay sa mga drug suspects ay nagpapakita lamang na hindi naging pabaya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang obligasyon na imbestigahan ang human rights violations sa panahon ng kanyang termino. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry […]
-
Sa 7th birthday ng bunso na si Luna: JUDY ANN, nakita na rin si GLADYS after five years at nag-Tiktok pa
KAYBILIS ng panahon, pitong taon na ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo. At dahil itinuturing na milestone ang edad na pito ng isang bata, isang masayang children’s party ang ginanap sa Dreamplay sa Parañaque kung saan nag-enjoy ang mga bisita, bata man o matanda sa masayang […]