• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pansamantalang sususpindehin ng mga MM Mayors ang confiscation ng mga erring drivers

NAGKASUNDO ang mga Metro Manila mayors na suspindehin pansamantala ang confiscation ng mga drivers’ licenses ng mga erring drivers at motorists upang bigyan daan ang pagtatatag ng single ticketing system sa kalakhang Maynila

Pumayag sila sa hiling ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos na magpatupad muna ng moratorium sa confiscation ng drivers’ licenses sa National Capital Region (NCR) na pansamantala lamang.

 

“The moratorium will take effect while the NCR’s 17 local government units (LGUs), the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) are formulating the guidelines for the interconnectivity program that will be used for the single ticketing system,” wika ni Abalos.

Humingi si Abalos ng tulong mula sa MMDA at mga bagong halal na mayors habang pinag-uusapan ang moratorium tulad ng huwag munang magkaroon ng confiscation ng mga drivers’ licenses habang ginagawa ang interconnectivity program kung saan siya ay humingi na payagan siya sa nasabing mungkahi.

Dahil dito, ang mga city at municipal councils sa Metro Manila sa lalong madaling panahon ay gagawa ng ordinances na mag-uutos na suspendihin muna ang confiscation ng mga drivers’ licenses.

Pinaliwanag ni Abalos na ang programa sa interconnectivity ay makakatulong na magkaroon ang mga Metro Manila LGUs, MMDA at LTO ng isang common database na siyang magrerehistro sa mga detalye ng mga erring drivers na nahuli saan man dako ng  rehiyon.

Diniin naman din ni Abalos na ang LTO lamang ang may sole authority na magkumpiska ng mga drivers’ licenses kahit na binigyan ng kapangyarihan ang mga LGUs na magpatupad ng kanilang ordinances pursuant sa Local Government Code.

Nagbigay din ng warning si Abalos na kahit na hindi kumpiskahin ang mga drivers’ licenses ng mga erring motorists, ang mga awtoridad ng DILG ay itatala naman ang mga pangalan ng mga erring drivers at ibibigay sa LTO ang listahan habang may moratorium.

Pinahayag din ni Abalos na ang mga Metro Manila mayors kasama ang MMDA ay nangakong bababaan ang mga penalties kapag sila ay nagkasundo na sa price range na siyang ipapataw kahit saan lugar sa Metro Manila para sa mga kaukulang traffic violations sa ilalim ng single ticketing system.

“All penalties of LGUs shall be common. There will no higher fees, there will lower fees; all will be unified. Generally, the penalty will be lower if it’s the one bumped onto,” saad ni Abalos.

 

Ayon naman kay MMDA chairman Romando Artes na ang mga LGUs na nagpatupad ng kontrobersyal na no-contact apprehension policy (NCAP) tulad ng mga lungsod ng Quezon, Manila, Valenzuela, San Juan at Paranaque ay nagkasundo rin na bababaan ang fines at penalties upang maging tugma sa common penalties sa ilalim ng single ticketing system.

 

Sa ngayon ang NCAP ay pinaglalaban pa sa Supreme Court dahil sa mataas na penalties sa mga traffic violations at iba pang issues tungkol dito.

 

Ang single ticketing system ay magpapataw ng common fines across Metro Manila sa mga sumusunod na violations ng traffic: disregarding traffic signs, attended and unattended illegal parking, number coding, truck ban at light truck ban, reckless driving, unregistered motor vehicle, driving ng walang driver license, tricycle ban, obstruction, illegal counterflow, overspeeding, loading at unloading sa mga bawal na lugar, arrogance at discourteous conduct, traffic violations sa ilalim ng special laws at paglabag ng mga motorcycle drivers kasama ang dress code, overloading, defective motorcycle accessories at unauthorized modification.

Kapag nahuli ang isang driver dahil sa traffic violation kahit saan sa Metro Manila, siya ay bibigyan ng 10 araw upang magbayad ng kaukulang penalty. Maaari siyang magbayad sa common payment centers sa Metro Manila instead kung saan siya nahuli.

Ang LTO, MMDA at NCR LGUs ang magdedesiyon ng maximum demerit points na ibibigay sa mga erring motorists kada violation na ipapatupad ng mga Metro Manila traffic enforcers hanggang hindi na payagan na mag-renew ng driver license ang isang motorista dahil sobra na ang nakuhang demerits.

Ang mga nasabing ahensiya ng pamahalaan ay magpapatupad din ng easy mechanism kung saan ang traffic violations ay maaaring iprotesta. LASACMAR

Other News
  • Travel restrictions sa 10 bansa, pinalawig hanggang Setyembre 5

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang kasalukuyang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula Setyembre 1 hanggang 5, 2021.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nasabing travel restrictions ay bahagi ng […]

  • House leaders, governors suportado si Robredo

    DALAWANG lider sa Kongreso at limang gobernador ang kamakailan ay naghayag ng kanilang suporta para sa kandidatura pagka-Pangulo ni Vice President Leni Robredo.     Ang mga kaalyado na ni Robredo at nangakong ikakampanya siya ay sina House Deputy Speakers Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro 2nd District congressman) at Mujiv Hataman (Basilan congressman) at mga […]

  • Flood control project ng MMDA nakumpleto na

    NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.     Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 […]