Panukala na isama ang personal financial education sa mga tech-voc na paaralan, inaprubahan ng Komite
- Published on June 1, 2023
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang House Bill 7333 o “Personal Financial Education for Tech-Voc Schools and Centers.”
Naglalayong isama nito ang kaalaman sa pananalapi sa teknikal-bokasyonal na kurikula, na ganap na nakatuon sa pansariling pananalapi.
Ayon kay Bukidnon Rep. Jose Manuel Alba, awtor ng panukala, ang kahalagahan ng personal na pagpaplano sa pananalapi ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mag-aaral na magtakda ng mga layunin sa pananalapi, kontrolin ang paggasta, at gumawa ng maingat na mga desisyon sa pananalapi.
Sa ilalim ng panukalang batas, makikipagtulungan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Finance (DOF) at Securities and Exchange Commission (SEC), para bumuo ng mga pamantayang pang-akademiko, kurikula, at materyales para sa kursong personal na pananalapi.
Ang iba pang mga panukalang inaprubahan ay ang HB 7219, o “Higher Education Institutions’ Development Research Fund Act of 2023;” HB 2316, na naglalayong magtatag ng Artificial Intelligence Industrial Research Park sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology; HB 321, na magtatatag ng Dinagat Islands State College; HB 7289, na naglalayong gawing State University of Siquijor ang Siquijor State College at ang extension campus nito; HB 6566, na naglalayong itatag ang Sarangani State College; HB 1457, na magtatatag ng Techno-Parks Development Fund (TPDF) para sa University of Science and Technology of Southern Philippines; HB 1451, na naglalayong maglaan ng P1 bilyon para pondohan ang pagpapaunlad ng imprastraktura ng Alubijid Campus sa University of Science and Technology of Southern Philippines; HB 7643, na naglalayong gawing regular na kampus ang satellite campus ng Bukidnon State University; at mga HBs 7173, 7516, 7570, 7571, 7702 at 7746, na naglalayong magtatag ng TESDA training and assessment
centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nagsagawa rin ng pagdinig ang komite kasama ang Committee on Disaster Resilience na pinamumunuan ni Dinagat Islands Rep. Alan 1 Ecleo, para aprubahan ang mga HBs 5462, 7279 at 7710, na naglalayong suspindihin ang mga pagbabayad ng student loan sa panahon ng kalamidad at iba pang kagipitan.
Iginiit ni Ecleo na dapat palawigin ng kongreso ang tulong na ito para maibsan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino, lalo na ang mga walang kabuhayan at matatag na pinagkukunan ng kita.
Sinabi ni Go na inaprubahan na ng senado ang katulad na panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa. (Ara Romero)
-
KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA 13K NA
MULING nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City. Sa datos ng Quezon City Health Department, pumalo na sa 13,604 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod. Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU o ang QC Epidemiology and Surveillance Unit at district health offices […]
-
ERIN OCAMPO, tinutukoy na third party sa hiwalayang ALJUR at KYLIE
SI Erin Ocampo ang diumano’y tinutukoy na third party raw sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Hindi na kami magtataka kung isang araw, magsalita ito. Isang malapit kay Erin ang nakausap namin at nakakaalam ng totoong pangyayari sa totoong naging dahilan daw ng hiwalayang Kylie at Aljur. Alam din nito kung […]
-
PHILIP, BATO, GO NAGHAIN NA RIN NG KANILANG COC
SA kauna-unahang pagkakataon ay sasabak na rin sa pulitika ang aktor na si Philip Salvador sa ilalim ng Partido PDP Laban. Si Philip Salvador ay tatakbo bilang Senador matapos pormal na maghain ng kanilang Certificate of Candidacy ngayong araw sa Manila Hotel Tent City. Isa sa plataporma ng aktor ang peave and order […]