Panukala na magsususpendi sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS aprubado sa komite
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang mga panukala na naglalayong suspindihin ang pagtataas ng kabayaran sa kontribusyon ng Social Security System (SSS) ngayong 2021.
Ito ang House Bills 8317, 8304, 8313, 8315, at 8422 na pag-iisahin sa isang binuong technical working group (TWG) sa natrurang pagdinig.
Binigyang diin ni Baguio City Rep. Mark Go ang pangangailangan na maipasa ang mga panukala, lalo na ang HB 8317, na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco, na naglalayong gawaran ng kapangyarihan ang Pangulo na suspindihin ang nakabinbing pagtataas ng kontribusyon sa SSS.
“Ang panukala ni Speaker Velasco ay nagsasaad na bibigyan natin ng kapangyarihan ang Pangulo na suspindihin ang implementasyon ng pagtataas ng kontribusyon sa SSS na sa palagay ko ay dapat nating agad na aksyunan. Dahil kung hindi ay nakatakda nang itaas ang bayad nito ngayong Enero 2021,” ani Go.
Para kay Act Teachers Party-list Rep. France Castro, isa sa mga may akda ng HB 8310, ang pagtataas ng kontribusyon sa SSS ay magdudulot ng mas lalong kahirapan sa mga Pilipino dahil sa kasalukuyang kalagayan sa bansa at kahit “walang maayos na pagpapabuti sa epektibong koleksyon ng SSS.” (ARA ROMERO)
-
Kasama pa sina Janice, Mon at Chanda sa ‘Espantaho’: JUDY ANN at LORNA, tiyak na mapapasabak sa matinding aktingan
PANGALAWANG beses nang nagkatrabaho sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino sa isang pelikula, at ito ay sa kasalukuyang sinu-shoot ngayon na horror film, ang ‘Espantaho’. “First namin was Mano Po 2,” kuwento ni Judy Ann, “pero hindi ganun karami yung scenes namin together at tsaka hindi kami yung mag-ina doon. “Ngayon pa lang […]
-
Komite, at mga panukalang magpapabuti sa basic education tinalakay
Pinagtibay ng House Committee on Basic Education and Culture ang House Resolution 1176, sa nominasyon ni dating Senador Ramon Revilla Sr., na Pambansang Artista ng Bayan Pasa sa Pelikula, bilang parangal at pagkilala sa kanyang mga dakilang handog sa industriya ng pinilakang tabing. Ang resolusyon ay inihain ni Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez. […]
-
Gobyerno, siniguro sa mga Pinoy seafarers na makababalik sa kanilang trabaho matapos na tamaan at makarekober sa COVID- 19
INALIS ng gobyerno ang pangamba ng mga Pinoy seafarers na baka hindi na sila tanggapin pa ng kanilang employer makaraang kapitan ng corona virus at nakarekober. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, binanggit ni DOLE Secretary Silvestre Bello na hindi problema ang employment opportunity para sa mga kababayan nating seaman. Ayon naman kay […]