• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANUKALA ng NEDA na gawing polisiya ang 4 day work week

MALAKI ang posibilidad na malaman sa darating na Lunes, Marso 21 ang magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa naging panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 4 day work week at work from home set up.

 

 

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar na naipaliwanag na naman kay Pangulong Duterte ang magiging benepisyo ng nasabing mungkahi kung saan layunin nitong makatipid sa oras, pagkain, pamasahe at iba pa ang mga manggagawa sa gitna ng pamahal na pamahal sa presyo ng mga prime commodities.

 

 

Ayon pa kay Andanar, lahat ng suhestiyon ay pinakikinggan ng Pangulo.

 

 

Bukas din aniya ang Chief Executive sa lahat ng rekomendasyon na manggagaling sa kanyang gabinete kabilang na ang economic team gayundin maging mula sa mga dalubhasa, mambabatas at mga ekonomista.

 

 

Aniya pa, nagsalita na rin naman si Pangulong Duterte na kung anuman ang magiging desisyon ng economic cluster ay iyon ang magiging polisiya ng pamahalaan gayung ito naman ang kanilang forte.

 

 

Matatandaang, inirekomenda ng economic team na huwag suspendihin ang excise tax na inaprubahan naman ng Punong Ehekutibo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Gobyerno, ginagawa ang lahat para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa toll roads sa Pinas

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na ipinatutupad na ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) ang lahat ng mga hakbang para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at tiyakin ang maayos na byahe sa toll roads sa bansa sa panahon ng holiday season.     Pinangunahan ni […]

  • Nag-reminisce sa 15 years na ‘di nagkita: GABBY, palaging concern sa happiness ni KC

    ANG Kapuso love team and real couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang bibida sa “The Cheating Game,” ang first movie offering this 2023, ng GMA Public Affairs, na pioneer in documentary, talk and news magazine programming.      First movie team-up din naman ito nina Julie Anne at Rayver, na […]

  • Pres. Biden magpapadala ng COVID-19 vaccines sa India

    Inaayos na raw ni U.S. President Joe Biden ang mga ipapadalang coronavirus vaccines sa India.     Kasabay na rin ito ng paghihirap na nararanasan ngayon ng nasabing bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso doon ng nakamamatay na virus.     Ginawa ng Democratic president ang anunsyong ito matapos sabihin ng Estados […]